Gusto ng asawa ko sa public hospital ako manganak

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob mga mie. Sa inyong mag asawa sino nasunod kung saan manganganak? Ako kasi gusto ko sa lying in manganak since dun na ako nakapag start magpacheck up saka mas gusto ko ung onti lang tao saka tahimik na facilities. Saka solo namin ni baby ang mga nurse doon. Feeling ko mas maaalagaan kami duon saka panatag ang loob ko. Gusto ng asawa ko sa public para daw libre. Eh may work naman ako kaya makaka kuha akong ng maternity benefits ng sss. At ndi naman ganun kalaki maningil sa lying in, sabi ko ako na ang magbabayad sa lying in para hindi magalaw pera mo. Pinipilit nya parin ako sa public hospital manganak. Sabi ko hindi naman sya ung manganganak bakit pinipilit mo ako hindi nga ako panatag sa public, kung ma emergency CS ako payag ako sa public manganak pero kung normal naman dun na lang sa lying in. And ayun naiiyak na lang ako twing pinag aawayan namin un kasi nagagalit sya. Twing naiimagine ko na dun ako manganganak naiiyak ako kasi ayaw ko tlga don. Kayo ba? Ung public hospital pala na yun ay dito sa Dasmariñas. Ospital ng Dasma.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kausapin mo sis ang asawa mo. Maayos naman ba sis ung Public hospital? Tama ka, ikaw manganganak kaya dpat ikaw masunod lalo na if hnd naman sya gagastos sa panganak mo sa Lying-in. Aswa ko kasi gusto nya ult private hospital kami pero since ung OB ko nagpapaanak na sa Lying in dun ko ndin gusto pra mas tipid kami at malapit samin. Sabi naman ng asawa ko sge kung saan ko daw gusyo basta safe kami 2. At kapag nag bago isip ko wlang probkema if sa private hospital dhil ayaw nya na sa public ako wla sya tiwala sis. Kasi daming horror story 😩 Kaya I understand u kung bkt mas gusto mo sa lying in.

Đọc thêm
2y trước

buti po sis pumayag asawa mo. ako kung kaya lang namin private, private sana kaso hndi kaya ok lang sakin lying in. ung public hospital kasi dto samin libre tlga panganganak so lahat sa buong dasma dun nagpapacheck up at nanganganak imagine mo na lang gaano karaming tao nun ayaw ko pa naman mastress kasi 1st time ko hndi ko pa alam mga gagawin ko.

Kung may sarili kang pera, at ikaw ang gagastos, manganak ka kung san ka comfortable. Jsqo. Ikaw na nga nag dala for nine months aawayin ka pa.