Bukod ng bahay

Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman dito, We are currently living with my in laws, nagiisang anak lang kasi ang asawa ko and siya ang breadwinner. Walang trabaho or source of income ang mama at papa niya kaya siya lahat. Okay lang naman sana kami dito, kaso ako wala ako peace of mind at lahat ng nasusunod ay yung byenan kong babae, malakas kasi ang personality niya at ako naman ay introvert. Mahabang kwento, pero hindi ako comfortable at hindi din kami ganon naguusap kundi about sa bata Mag 2 years na kami dito nakatira and may 1year old na din kaming anak. Ngayon ready na kami bumukod, at magrerent na lang. ngayon, pinipigilan niya kami and kinakausap niya mga kaibigan ng asawa ko para kausapin. Nagkkwenta kasi yung byenan ko dahil sa gastos daw, nagresign kasi ako sa work at yung anak niya ang lahat. Pero kaya niya naman kami buhayin. Hay ang hirap kapag nasanay sila na oo lang sakanila lagi anak nila. Ang hirap lang kasi hindi ko man lang makwento sa pamilya ko, sa asawa ko lang lahat tapos busy naman siya lagi sa trabaho.

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

masakit sa ulo. danas ko din yan kahit pagdating sa baby namin gusto nya sya yung nasusunod. pinakita ko bad side ko dahil nagkasakit baby nmin dahil sknila wala dw ako pakikisama edi hinayaan ko sila mag alaga hanggang sa nagtae si bb sbi nag ngingipin lang daw nurse pa sya non ah. di ako mapakali pinacheck ko na tae ayon positive for ecoli cyst si bb nmin. simula non di ko na pinahawakan sknila yung bata. edi alam na nya na ako ang nanay at ako masusunod pagdating sa anak ko di sya

Đọc thêm
2y trước

Ang sad lang kasi feeling nila sila ang tama dahil matanda sila 😠