Bukod ng bahay

Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman dito, We are currently living with my in laws, nagiisang anak lang kasi ang asawa ko and siya ang breadwinner. Walang trabaho or source of income ang mama at papa niya kaya siya lahat. Okay lang naman sana kami dito, kaso ako wala ako peace of mind at lahat ng nasusunod ay yung byenan kong babae, malakas kasi ang personality niya at ako naman ay introvert. Mahabang kwento, pero hindi ako comfortable at hindi din kami ganon naguusap kundi about sa bata Mag 2 years na kami dito nakatira and may 1year old na din kaming anak. Ngayon ready na kami bumukod, at magrerent na lang. ngayon, pinipigilan niya kami and kinakausap niya mga kaibigan ng asawa ko para kausapin. Nagkkwenta kasi yung byenan ko dahil sa gastos daw, nagresign kasi ako sa work at yung anak niya ang lahat. Pero kaya niya naman kami buhayin. Hay ang hirap kapag nasanay sila na oo lang sakanila lagi anak nila. Ang hirap lang kasi hindi ko man lang makwento sa pamilya ko, sa asawa ko lang lahat tapos busy naman siya lagi sa trabaho.

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same situation. Nag iisang anak din partner ko at mama na lang nya kasama nya. Wala kaming choice kundi dito sa kanila kase wala nang ibang makakasama mother nya. Ok naman sitwasyon namin and 7 months pregnant nako. Kinausap ko agad si partner ko na when it comes to our child DAPAT KAME ANG MASUSUNOD. I mean, ok lang kung i-spoil nya baby namin once in a while kase unang apo pero once na nag interfere sya sa mga desisyon namin ekis na sakin yun. And thank God, naintindihan naman nya. Communication is the key lang talaga.

Đọc thêm