MAY MALI BA SAKIN? :(
Gusto ko lang mag share ng nararamdaman ko. Matagal ko natong kinikimkim kasi ayoko pong ma judge ako ng taong pagkukwentuhan ko at wala naman kasi talaga akong nakakausap sa araw araw na nandito lang kami sa bahay ng anak ko. Palagi akong umiiyak minsan diko alam dahilan minsan naman kapagka nag aaway kami ng partner ko lalo pag tungkol sa anak namin. Dun ako palagi sa CR naglalagi. Minsan nga nanonood ako ng nakakaiyak para kunwari umiiyak ako dahil s palabas kahit hindi naman. :( Ang hirap kapag ikaw lang mag isa naiiwan sa bahay kasama ang anak mo. Parang pag nasa bahay ka kailangan dapat ikaw ang gumawa lahat.. dapat kaya mong gawin lahat kasi nga nasa bahay kalang naman "sabi ng iba" which is ginagawa ko naman. Araw-araw kada 4-5 am gigising ako magsasaing at magluluto ng ulam. Nagbabaon kasi partner ko tsakas para pag gising ng mag ama ko kakain nalang sila. After non maglilinis naman ako.. Tapos hahanda ko na babaunin niya.. Then iidlip saglit habang nakain mag ama ko kasi after non magliligpit naman ako sa mesa at maghuhugas ng pinggan. Maliligo na partner ko para pumasok sa trabaho tapos ako na ulit sa bata. Hanggang sa aalis na siya ng bahay. Mon to Fri lang pasok niya malas pa pag may sabado. Minsan akala ko makakapag pahinga na ako kasi nga wala siya pasok pero hindi e. Hindi niya kayang kumilos ng maaga palang yun bang mag luluto at gagawa ng gawaing bahay para madaling matapos.. Mahilig siya sa mamaya.. Minsanay inuutos ako sakanya dahil may ginagawa ako.. Sa tagal niyang gawin.. ako nalang gagawa kasi imbes tapos na sana, natatambak yung gawain. Sa pagbabantay naman ng bata, nakahiga siya yung bata nanonood sa cp minsan siya tulog na.. na akala mo pagod na pagod e wala pa naman nagagawa.. Pansin ko rin kapag sa ML nakakapag puyat siya sa anak niya pag matagal matulog, nagagalit siya.. Sobrang maiksi pati pasensiya.. Alam naman niyang makulit at malikot anak namin.. Naiinis siya.. Hindi siya marunong umamo ng bata.. Kaya rin ako nagdadaldal sakanya kasi gawa ng ganyan. Pag sinabihan mo naman, galit pa.. Minsan nga kinakausap ko siya ng maayos.. Ibang klase sumagot barubal na akala mo may kaaway.. Sabi ko kako, bastos karin e no.. Ang ayos ng tinatanong o sinasabi ko ganyan ka palagi sumagot.. Ewan ko ba. Napaka mainitin ulo. Kapag siya nagkukwento.. Nakikinig ako.. Kapag ako na nagkukwento, halata mong ayaw makinig.. Kaya yun din yung isang bagay na kaya ayoko mag open ng nararamdaman ko.. Kasi nag try na ako before.. Najudge agad ako na parang feeling ko may mali sakin.. About yun sa post partum depression.. Baka kako meron ako kasi minsan iba ako magsalita o mag isip.. Sabi niya naman, iniisip lang naman daw kasi ng tao yan kaya nagkakaganyan sila.. Kumbaga, kalokohan daw yon. Partida may mga kaibigan siya na nakaranas ng ganon at yung isa don suicidal talaga.. Ang pinaka di ko nga makakalimutang bagay na sinabi niya saakin nung time na nag away kami dahil sa anak namin e. "Baliw kana" "Patingin kana sa doktor" "Gusto mo magbigti kapa dyan e" Sobrang sikip ng dibdib ko nun.. Diko alam gagawin ko.. Parang gusto ko nalang na, sige.. gawin ko nalang kaya talaga.. Para matapos na.. May lubid pa non sa harap ko. (Sampayan namin) Pero may awa ang diyos.. Di niya ko hinayaang mangyari yun..Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog nalang ako.. Pag gising ko, sira na yung lock ng pinto pinuwersa niyang binuksan akala niya siguro may nangyari na sakin pero NEVER siyang nag sorry na nasabi niya yun kaya nasasaktan ako hanggang ngayon.. Minsan sumasagi sa isip ko, paano kung iba nakatuluyan ko.. hindi siguro ganito buhay kio. :( Pag may nararamdaman ako o may gusto akong sabihin.. Hindi nalang. Mas okay nalang na sa sarili ko nalang manatili yung mga bagay na yun.. Masakit kasi makarinig ng salita e. MARAMING SALAMAT PO SA PAKIKINIG.