MAKATARUNGAN BA??

Hello. Gusto ko lang mag share ng gastusin namin dito sa amin. Btw iisang compound kami nakatira ng pamilya ng asawa ko. Pero nakabukod kami ng bahay,pag kain at nakasubmeter din sa kuryente dahil medyo mahirap mapagkabit ng kuryente dito samin. Ang magkakasama, mga byenan ko, dalawang bayaw kong pamilyado at kapatid na bunso ng asawa ko. Yung isang bayaw kong pamilyado may isang anak na dalaga+lip nya. yung isang bayaw ko naman dalawang lalaki anak+ lip nya then ung byenan kong dalawa at bunsong anak nila magkakasama sa iisang bahay. Gastusin nila sa bahay. Sagot ng mga bayaw ko ang Wifi, Monthly bill nila sa kuryente. Bale tatlo sila naghahati dun kasama ang mister ko. Wifi Tag 500 each bale 1500 tatlo sila. Then ung kuryente po kung magkano ang monthly bill ung ang paghahatian nila magkakapatid. Di sila nakabukod ng pagkain nagsheshare lang sila sa byenan ko. Bayaw #1 1000 weekly ang budget sa pagkain. (3 heads) Bayaw #2 500 weekly sa pagkain (4heads) Tapos ang gastusin ng byenan ko, Bill sa tubig, gasul, bigas plus additional pa po sa pangbiling ulam kasi di naman kakasya ang 1500 na ambag ng dalawang bayaw ko sa pang ulam nila. sa mahal ba naman ng bilihin ngayon. tapos Kada isat kalahating linggo or kada 2 weeks need magpakarga ng gasul byenan ko that cost 850 kasi 3x a day sya nagluluto ng ulam, kaya malakas sa gasul . same with bigas every 1 and a half week need mamili ng half cavan na bigas kasi madami po silang kumakain 3 pamilya sila. 950 isang cavan ng bigas. Kami po gaya ng sinabi ko kanina nakabukod kami sa pagkain ,kuryente at bahay. Naaawa ako sa mga byenan ko kasi parang sobrang lugi nila. which is dapat ung ibang expenses sagutin na talaga ng anak nila kasi anak naman nila nakikisama sa kanila. Di din po namin alam bakit ayaw magsibukod ng kapatid ng mister ko. Di naman sa pinapakelaman namin sila. kaya lang kita kasi namin hirap at pagtitiis ng mga byenan ko. Bandang huli sila pa nakikisama. Ano sa palagay nyo mga mami?

1 Các câu trả lời

hi! mamsh same samin, bukod din kami kaso sa tubig hindi since isa lang yung area ng labahan ng lahat. yung kamag-anak naman ni hubby kkb pero minsan pag wala, yung lola nya nagbibigay ( which is sya yung pinaka may-ari na ganern, since matanda e ). ok naman wala naman problema, minsan lang nagkakasagutan sila sa mga nabigay and so on. excluded kami since bukod kami sa lahat eh and di naman kami nakikisali sa ganung scenario nila. kung wala naman problema sa biyenan mopo ok lang, later on marerealize nya din yun and baka sya pa pumukpok sa mga anak nya. time will tell.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan