Gusto ko lang mag rant kasi bigla akong na stress kung kelan malapit na ko manganak. 34weeks preggy na ko at FTM. Lying in ang first choice ko kasi dami ko naririnig na mas maganda daw dun manganak kasi alaga, kaso sa OGTT result ko lumabas na mataas sugar (GDM) so inadvice ako n mag hospital set up. Nagstart na ko magpacheck up sa public hospital. Pangatlong follow-up check ko n kanina. Sa unang check up ko, sabi sakin normal naman daw sugar ko, medyo OA lng daw ang lying in kasi konting taas lang ng sugar may GDM ka agad. Si tinigil ko na yung pag take ng glucometer ko araw araw kasi normal nmn daw. Ang prob din pala is breech si baby. Sa pangalawang check up ko, ibang doctor na nmn kausap ko pero same lang ang sabi. Normal nmn daw sugar ko. Ff 3rd check up ko kanina at ibang doctor n nmn so pinakita ko na nmn lab test ko. Sabi nya mataas daw sugar ko so magtake daw ako ulit ng ogtt at mag monitor ulit ng sugar at may mga additional lab test na nmn. Kakapa ultrasound ko lang din nung Friday and nakita na cephalic na si baby. Pero kanina, heartbeat lang nmn ung chineck tapos ang sabi suhi parin daw. So mag ultrasound na nmn daw ulit. Sobrang naguguluhan na ko. Imbes na panatag na ko kasi akala ko okay na lahat, hindi na nmn pala tapos after 1month pa daw ulit ang balik ko. Baka pagbalik ko nun manganganak ko. Sobrang stress pala sa public mga mi 😂🤧
Anonymous