My LO has finally arrived
Grabe! Underwent induction labor at 41 wks dahil wala talaga akong kahit anong sign ng labor at super close and cervix na parang walang balaka lumabas tong bulilit sa tyan ko noon. Naipanganak ko siya ng 41wks and 1 day. 8pm sinaksakan ako ng pang induce then nagactive labor starting 12:30 AM. Baby out by 7:15 AM. I have never imagined the amount of pain of giving birth. Ibang level. As in to the highest of high level siya. Pero as cliche as it may sound, totoo ang sabi na worth it lahat ng pain once you feel and see the baby in flesh. All the pain was gone. Sobrang saya. Nakakaiyak. And sarap sa pakiramdam na finally nagkita na kayo ng baby mo. 🥹 Sa ngayon ang dilemma ko naman ay ang masakit na katawan, tahi, hemorrhoid at nipples. Haha. Pero malalagpasan nating lahat to. I am praying na maging healthy ang mga anak natin. And congratulations to all my Team September Moms kahit inabot na tayo ng October. Iba pala talaga ang sakripisyo ng mga nanay. Simula pa lang, pero grabe na. Good luck on our new journey super moms! #TeamSeptember #TeamOctober #NormalDelivery #InducedLabor