INGROWN SA PAA
Grabe mga momsh sobrang sakit na talaga ng ingrown ko sa paa. As in pag natatama sya sobrang sakit. 7 months preggy here. ano po ba dapst gawin. sabi nila bawal na daw magpatanggal. naiiyak na talaga ako sa sobrang sakit.
Sabi ng iba, pwede ka naman magpalinis, momsh. Basta linis lang, patanggal ingrown, ganon pero dapat daw trusted mo yung maglilinis sayo. Sure ka na dinidisinfect yung mga ginagamit kasi ang iniiwasan lang naman po is yung magkaroon ng infection. E prone po sa diabetes ang mga preggy kaya mahirap magtake risk. Nung nagkaganyan po ako, halos naiiyak na rin ako sa sakit. Ni hindi na rin ako makapagclose shoes dahil nababaon nga lalo. E kaso ayoko magtake risk sa mga parlors kaya nagdecide ako na linisan yung sarili ko. Grabe. Struggle is real talaga since ang laki na ng tiyan ko tapos sobrang sakit pa. Pero iniisip ko lang that time, "Kaya ko to. Matatapos din ako." And by God's grace, nakaya ko naman talaga. Inunti-unti ko lang talaga. Though feeling ko naiwan pa yung dead skin, pero keri lang. Ang mahalaga nabawasan ng malaki yung pain na nararamdaman ko kasi nawala yung ingrown ko. 😅
Đọc thêm
Mommy of Jubal Isaac ❤️