Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Dear TAP and GRAB, Bilang isang ina, wala na tayong ibang hangad kundi ang para sa ating mga anak. Lahat kayang gawin ng ina basta para sa kanilang mga anak. Nais ko po sanang humiling ng mga gamit ng baby dahil malapit na po ako manganak at nakakalungkot lang na wala pa po nabili kahit isang gamit ni baby dahil sa nangyaring pandemic. No work no pay kaming magasawa at wala kaming nakuhang tulong mula sa DOLE at DSWD. Nagastos namin sa pangkain ang perang naipon namin pati ung perang nakalaan para kay baby kaya wala kaming nabili na gamit nya. Nakakahiya man po pero ginagawa ko po ito para sa baby ko. Kung sakaling mapili po ang entry ko, ipagmamalaki ko po sa lahat na malaki ang naging bahagi nyo sa buhay ng baby ko. Ikekwento ko sa baby ko kung pano nabago ang buhay nya dahil sa TAP at GRAB. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!! Marami po kayong natutulungan at sana wag po kayo magsasawa. Godbless you po!😊

Đọc thêm