Dear TAP & Grab,
Good day!
New and first time parent po ako to my 1 1/2 month old baby. Nagsisimula palang din po kami ng mister ko. Sa ngayon ay nakikipisan pa lang kami sa mga magulang namin, balak sana namin ay makabukod na by September. Parte ng aming panimula ay pagkakaroon ng sarili naming mga appliances, at ang priority namin at ang irerequest ko po sana para sa panimula ng aming munting pamilya ay refrigerator at washing machine. Bilang asawa at breastfeeding mama, malaki ang maitutulong ng refrigerator sa amin para makapagstore kami ng pagkain para sa ilang araw na hindi basta masisira gayundin na makakapagstore ako ng gatas para sa anak ko. Ang washing machine ay para naman mapadali ang aking paglalaba habang ginagampanan ang tungkulin ko bilang ina sa aking anak at gayundin pagkakaroon ng extrang oras sa bahay at asawa.
Nawa ay pagbigyan po kahit isa man lamang sa aking hiling upang ang perang maipon namin pambili ay mailalaan nalang namin sa aming munting prinsesa dahil ang kanyang mga gamit ay puro napaglumaan.
Maraming salamat po at mabuhay po kayo! 😊
Đọc thêm