@Dear TAP and GRAB
Sana isa po ako sa mapili na ma grant ang wish sa inyong pa contest ,kasi matagal narin po akong sumasali sa mga pa contest dito pero hindi talaga ako nanalo.😁
Ang wish ko po sana ay magkaroon po sana ng munting negosyo ang aking pinaka mamahal na nanay,hanggang ngayon po kasi nagllabandera parin siya para matustusan ang aming pangangailangan sa bahay.btw nas probinsya po siya. tumanda nalang po siya sa ganung gawain simula ng mamatay si tatay yan po ang naging way niya para buhayin kaming pitong magkkapatid, naawa po ako sa kanya na ganun parin ang situation niya hindi niya man lang na experience ang maginhawang buhay,puro problema pero kahit ganun sobrang positibo parin siya sa buhay.
hindi narin ako makatulong sa kanya lalo nang may baby na ako.
sobrang napakalaking tulong po sa magulang ko kung isa po ako sa mapipili sa inyong pa contest.
Bilang regalo ko narin po ito kay nanay sa darating na kaarawan niya.sobrang matutuwa po siya pagnagkataon.para steady nalang po siya sa bahay at hindi na sumakit mga katawan niya kakalaba. at hindi na siya mahirapan pang maghanap ng ibang pagkakakitaan para matustusan ang pang araw araw na pangangailangan.
Maraming salamat .at sana marami pa kayong matulungan.☺️
Đọc thêm