Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dear Tap and Grab. Matagal ko na pong gustong mabilhan ng android phone ang asawa ko kaso dahil nga po medyo gipit at kulang pa po sa panggatas at gastusin sa bahay ang sinasahod ko hindi ko po magawang bilhan siya. Isa lang po kasi ang gamit naming cellphone, nag hihiraman lang kami. Kapag kailangan ko sa trabaho dinadala ko yun, pero kapag hindi naman ay iniiwan ko sa kanya. Gusto ko kasi na may kontak kami kapag wala ako sa bahay. Minsan sa trabaho di maiwasang may biglaang O.T o kaya ay meeting, nasiraan ng bike etc. Na pwedeng maging dahilan ng pag aalala niya. Naiintindihan ko naman po siya dahil nga po maraming tarantado sa mga lugar na dinadaanan ko pauwi. Nakakapraning din po kasi sa side ko kapag nag iisip siya ng kung ano ano. Ayoko po ng nagkakaganun siya. Sana po matupad niyo po ang munting hiling ko na mabigyan siya ng cellphone. Salamat po 😊🙂

Đọc thêm