Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dear TAP and GRAB, Good morning po, ang wish ko po ay para sa aking ka live in partner na nag birthday noong march 16, first time po namin siyang hindi napaghandaan ang kangyang birthday kahit papansit lng po, kasi mas inuna nya po ang family ko, imbes ang pera nya ay para sa birthday nya, pinambili nya nang sakong bigas para sa pamilya ko nang dahil sa parating na lockdown noon. Simula noong nanganak ako noong jan 31, cyah nlang ang nagtatrabaho sa aming pamilya, hindi na ako nakapagtrabaho pa ulit, kayod kalabaw sya kung magtrabaho para sa baby namin, kung may overtime magtatrabaho yan para lang may pambili kailangan ng baby nya, first time dad kasi. Kahit my lockdown pa, may 28 nagtrabaho na sya ulit kasi daw ang hirap ng walang pera, ngayon ang problema namin, araw araw siyang naglalakad patungong trabaho nya, nakakapagod nga din naman, gusto nya daw bumili ng bike pag nagkapera siya ng malaki, eh paano nya iyon magagawa kada my pera, pinambibili nya ng bigas at mga kailangan ni baby. Naaawa na ako sa kanya, eh wala din naman akong magawa. Kaya ang wish ko lang po sana ay magkaroon ng bike ang kinakasama ko, parang birthday gift nlang din sa kanya sa lahat ng naitulong nya sa amin ng pamilya ko. Iyon lng po at maraming salamat sa pagbabasa. Sana ay palaring mapili ako. Salamat.

Đọc thêm