Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

ang wish ko po ay para sa asawa ko po. nais ko po sana na magkaroon siya ng motor o bisikleta na kanya po mismo. matagal na po siyang nakikihiram sa kuya niya po, nahihiya na rin po siya manghiram sa kuya niya kasi po napagsalitaan po siya ng asawa ng kuya niya na bakit raw po hiram ng hiram. gustuhin ko man pong maibili ang mister ko ng motor o bisikleta pero wala naman po ako trabaho o source of income. kung hindi naman po motor o bisikleta pong pangpasok ay nais ko po sana na magkaroon siya ng sapatos rubber shoes or black shoes na bago. size 40 po siya. at mga pantalon po. size 38-40 po. matagal na po niyang gustong magkaroon ng bagong sapatos pero hindi ko po siya mabilhan gawa po ng wala akong work at pandemic po. at ang wish ko naman po at para sa aking anak, sana po ay magkaroon siyang diaper na eq po at lactum na 1-3 years old po. palagi po kasi kami namomoblema lalo na yung asawa ko po kasi wala pong diaper at gatas ang panganay po namin na 1yr and 4mos po. lagi po siya namomoblema kasi po siya lang po nagtatrabaho. sana po mapansin at matupad niyo po ang wish ko.

Đọc thêm