Dear Tap and Grab,
Ako po si Alyzza Mae Robledo. Nanganak po ako March 20,2020 at mag 2 months old na baby ko. Eversince po nanganak ako never pa po na memeet at nakikita ng partner ko yung baby ko. Nasa manila po sya ngayon at ako nasa davao umuwi ako nung 6 months pa lang tiyan ko dahil wala ako makasama sa bahay dahil nagtratrabaho partner ko. Sa kasamaang palad naabutan sya ng lockdown at nawalan pa ng trabaho. Sa hotel po sya nagtratrabaho dahil sa new normal na pinatupad ng gobyerno ang hotel na pinapasukan niya kailangan magtanggal ng mga empleyado at isa sya sa mga napili. Nalulungkot ako ngayon, patong patong problema namin. Hindi niya pa nakikita ang baby namin ni hug o kiss hindi pa. Dumagdag pa na nawalan sya ng trabaho. Everytime na mag vivideo call kami malabo din ang screen dahil basag cellphone niya. Wala na din kami pambili bago naubos na naipon namin dahil sa lockdown no work no pay.
Ang wish ko lang sana mabigyan sya ng bagong cellphone para kahit malayo sya sa video call feel niya yung mga moments na sana nakasama niya kami mag ina sa panahong ito. Para man lang maibsan ang kalungkutan niya. Sa ngayon po di pa sya makakauwi wala din sya pampamasahe para makabili ng ticket. Sana po dinggin niyo yu
ng mga wishes ko🙏🙏Malapit na rin fathers day sana makauwi na sya dito. Gusto na namin sya makapiling ni baby ko 😭 Araw araw po ako nagdadasal na sana malampasan namin tong mga problema namin at makauwi na sya para makapiling namin sya. ☹️
Sincerely yours🙏🙏
Đọc thêm