Dear TAP/GRAB
Gusto ko po matupad yung pinaplano kong birthday party para sa panganay ko. Mag 3 yrs old na po sya sa July 1. Hindi pa po kasi nya nararanasan ang birthday party simula nung baby sya. Kahit po cake wala sya nung first at second birthday nya. Pancit at spaghetti lang po hnahanda namin. Sana po sa 3rd birthday nya maranasan nya po yung birthday party. Yung meron syang cake na iboblow. Yung magpaparty sila ng mga pinsan, kaibigan o kalaro nya. Yung magiging masaya po sya ng sobra. Yung makikita ko sa mga ngiti nya na enjoy na enjoy sya sa birthday nya. Sana po matupad yon. Hndi ko po kasi sure kung mabibigyan namin sya ng ganun na party. Lalo na sa panahon ngayon. Lalong humirap kumita ng pera. Ang hirap pumasok sa trabaho. Ang hirap mag isip kung saan kukuha ng pambayad at pambili ng pagkain sa araw araw. Syempre pag may pera po. Mas uunahin po yung mga bayarin at pambili ng pagkain. Sana po matupad po ung birthday party para sa anak ko. First time nya lang po magkakaroon ng birthday party. Sana kayo po ang makatupad non. Maraming maraming salamat po. Wala napo akong ibang hihilingin kundi ang kasiyahan ng dalawa kong anak. 💖 Maraming Salamat po. 💖 GOD BLESS!! 🙏💖
Đọc thêm