Dear TAP,
Napakarami kong bagay na gusto lalo ngayong hindi makaalis ng bahay at wala pang lunas sa virus, maraming nasa cart ko online pero hindi mabili dahil wlang budget. Pero isa lang ang gustong gusto kong matanggap kung ako man ang palarin na isa sa mananalo. Gusto ko sanang magkaroon ng sariling higaan o crib na adjustable para sa toddler kong anak. Hindi na kasi kami kasya sa higaan at para matuto na syang matulog sa sarili nyang higaan. Yun ang pilit kong pinagiipunan ngayon pero hirap akong mabili dahil walang sapat na budget kaya nagtitiis kaming magsiksikan sa kama. Deserving akong manalo dahil lahat gagawin ko para sa anak ko. Sinakripusyo ko ang regular kong trabaho oara ako mismo ang mag alaga sa kanya. Napapabayaan ko na sarili ko wag lang ang anak ko. Raraket ako hanggat kaya mabili lang ang pangangailangan ng anak ko. Kaya sana isa ako sa palaring manalo. Hindi ako pinapalad sa mga ganito pero hanggat may pa contest si TAP sasali at sasali ako. Salamat TAP.
Đọc thêm