Dearest TAP and GRAB,
I am 36weeks pregnant, ilang weeks na lang at manganganak na ko. Nung nabasa ko po ito, naisip ko na this is an opportunity and a gift to get my baby's essential needs. Pero the word "deserving" makes my mind think twice, pinag isipan ko talaga at ipinanalangin. Naisip ko its really better to give than to receive pero ako mismo ay walang work at may sarili pong pagkakagastusan. Kaya sana po sa tulong niyo po makapag share ako ng blessing sa mas deserving na makatanggap ng mga primary needs gaya po ng groceries. Naisip ko ay ang Kuya at pamangkin ko na two yrs old. Nalockdown sa Bicol ang Kuya ko since March 14, hindi pa makauwi pabalik. Naiwan ang baby nya dito sa Manila kasama ng nanay na wala ding trabaho. Isang messenger/delivery man ng isang small private sector si Kuya pero dahil nga 3months ng nasa Bicol, umaasa siya sa mahihiraman na mga kaibigan o kamag anak para po sana sa needs ng baby niya. Disapproved din kasi siya sa kahit na anong government financial aid. Kaya ang request ko po sana ay matulungan ang Kuya ko na mas deserving kaysa sa akin.
Alam kong malaking malaking bagay kung mabibigyan ng pang gatas, diaper, tubig at mga biscuit ang anak niya kaya po sana matulungan niyo po ako na matulungan ang Kuya ko.
Maraming Salamat po.
Umaasa,
Mommy MD
Đọc thêm