Dear TAP and Grab 💙❤💚,
Sa ngayong feeling ko wala naman akong mahihiling na material things. Thankful na ako sa kung anong meron kami. Kahit wala kaming sariling bahay or sasakyan, hindi naman kami pinapabayaan ni Lord sa pang araw-araw. Gusto ko lang magkaron na ng cure sa pandemic, makapanganak ng maayos sa August, at maging safe, healthy and happy ang lahat ng mahal ko sa buhay. Kung may hihilingin man ako sa TAP and Grab, siguro ay pang kay baby boy na lalabas sa August. Medyo mahirap kasi mamili sa panahong ngayon. Para naman sa asawa ko, gusto ko sana siyang mabigyan ng wireless earbuds dahil matagal ko nang nakikitang nag browse siya sa Lazada ngunit dahil alam nyang may mga mas mahalagang bagay pang paglalaanan ng pera, lalo na't malapit na akong manganak, hanggang browse na lang ang kanyang ginagawa. Nais ko sanang maging gift iyon sa kanyan pati na din ang Mango Bravo ng Contis Bakeshop sa nalalapit na Father's Day.
Sana ay may mapili kayong nararapat na taong tutulungan. Maraming salamat sa TAP and Grab. 💙❤💚
Đọc thêm