Dear TAP and Grab,
Malaking pagkakataon po ito para sa amin na matupad ang aming munting kahilingan lalo na kagagaling lng natin sa crisis. Meron po akong mga kahilingan at umaasa na kahit isa lng dto ay matupad.
1.nais ko pong masurpresa ang asawa q sa darating na father's day para kahit malayo sya samin at sa kabila ng pagod at sakripisyo nya samin ay masuklian.
2. Matagal na nais ng aking ina mgkaroon ng cellphone na kahit papano raw ay makita nya ang mga anak at apo nya kahit na malalayo cla. Pinag iipunan q na sana yung pambili q para sa cp nya at balak Kong surpresahin sya sa darating nyang birthday kaso nga lng naubos ang ipon na yun dahil nahinto rn trabaho ni hubby. Taga probinsya po kc kami at tlagang mahirap kumita ng pera dto. Kahit TV po kc wala ang mga magulang q dahil tinamaan kmi ng bagyong ursula nong pasko,nahulog sa pinaglalagyan nya, unti unti palang kmi bumabangon sa ngayon. Umaasa po na mapili at kahit anong tulong nalang ay aming tatanggapin. Maraming salamat po sa opurtunidad na mapakinggan ang aming hiling.
Đọc thêm