Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dear TAP and GRAB Ang wish ko po na gustong matupad ay sana gatas po na pede inumin for pregnant tsaka mga gamit and needs ni baby kapag lumabas na sya. Nag iipon po kasi kami ng partner ko ngayon para sa pagpapakasal na civil po and syempre para narin po sa hospital bills pag manganganak na po ako kaya malaking tulong po sana kung magkakaroon na po ng mga gamit si baby and also makatulong narin po sa amin ng partner ko. Sa bahay lang po ako now pero gumagawa parin ng paraan para kumita online. Ang partner ko naman po kakabalik lang sa work sa isang fast food chain bilang crew. Bilib po ako sa partner ko dahil napakasipag at lagi po nya ginagawa lahat para mabigay needs ko. Gusto ko lang po sana sya matulungan na di gano mahirapan sa pag iipon kahit pano. Salamat po.

Đọc thêm