Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello TAP and Grab, Thank you po sa chance na ito. Ang wish ko po ay playpen para kay baby. Ang lola po ny kasi ang nagaalaga sa kanya ngayon dahil kailangan ko nang bumalik sa pagtratrabaho para sa pang araw araw ni baby at ng pamilya namin. Ang mommy ko po ay 65 yrs old na at medyo mahina na. Kung sakaling mabigyan po ng playpen, malaking tulong po ito para sa mommy ko. Mailalapag nya na si baby sa mas secure na lugar at di na mapapagod at mangangalay sa pagbubuhat magdamag. Makakakain na din po sya sa tama. Sa takot po nya kasing ilapag sa sala , buong araw na po nyang binubuhat na lang. Sana po ay mapagbigyan nyo ang aking hiling. Salamat po.

Đọc thêm