Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

FTM @ 33 Weeks 19 years old, 'di pa pwedeng bumukod. Andito kami sa parents ko, sa kwarto ko sa sahig lang na nilatagan ng makapal na kumot kami nahiga ni hubby, nasira po kasi airbed ko, worried ako pagdating ni baby wala siyang maayos na higaan. Foam po sana, co-sleeping rin po balak ko para mabantayan si baby. Sa bahay naman nila hubby, nakikitulog kami sa taas ng double deck ng boarder nilang lalaki o di kaya sa kwarto ng papa niya na double deck din, nahihirapan ako umakyat baba, o di kaya sa sala kami at sa sahig natutulog na kung saan walang privacy at kailangang mag-adjust pag may mga gising na. Kaya dito kami sa bahay ng parents ko, at least may sariling kwarto kami, di kami palipat-lipat gaya sa kanila. I hope my wish will be granted po, sobrang makakatulong po talaga 💖

Đọc thêm