Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dear TAP and GRAB Ang wish ko po ay mabigyan ng brief ang asawa ko, nakakatawa man po pero yung po ang gusto ko sana iregalo sakanya ngayong darating ang Father's Day. Butas butas po kasi ang brief nya, Dahil imbes po na ibili ng brief inuuna nalang po nya ang pangangailagan ng anak po namin. Dahil sya lang po nagtatrabaho saming dalawa, Nakikitira lang din po kasi kami sa nanay ko, Nakakahiya man po sabihin dito pero yun po talaga ang totoo. Dahil po sa pagmamahal nya sa pamilya nya mas inuuna nya kami bago ang sarili nya. Maraming Salamat po.

Đọc thêm