Dear TAP and GRAB,
Ang wish ko ay magkaroon sana kami ng munting salo-salo para sa aking nanay. Deserving siya na i-celebrate dahil sa lahat ng paghihirap niya para sa aming pamilya. Ako po ay isang single mother at kasalukuyang 7 months na buntis. Dahil high risk ang pregnancy ko, napilitan akong huminto muna ng trabaho, kaya ang aking butihing nanay ang nagaalaga sa akin at nagpprovide ng pangangailangan namin ni baby. Kahit matanda na siya, nagsusumikap siyang ibigay lahat ng pangangailangan namin ni baby tulad ng gastusin sa mga check up, ultrasound, at mga gamot na kailangan. Sana isa ako sa mapili para kahit isang beses man lang ay makabawi ako sa aking nanay. Tahimik lamang ang nanay ko, kahit kailan hindi siya nagreklamo kahit alam kong nahihirapan na siya. Sana manalo ako para kahit ganitong panahon na mahirap sa lahat, maramdaman niya ang kaunting ginhawa sa kakaunting panahon. Salamat ng marami, TAP and GRAB.
Đọc thêm
Stern. Tired of your shit.