Dear, Tap and Grab ❤️
Ang wish ko lang po ay isang simpleng salo salo ng pamilya para sa hubby ko mag bi birthday sa June 22,.. di na daw nya iniisip ang bday nya kasi wala daw syang pang handa. ung pang handa daw ay gagamitin nlang para sa pangangailangan ng baby namin... nakaka proud lang kasi nagtitiis sya sa labas kahit subrang init at delikado para lang mabigyan kami ng makakain at needs ng baby namin. nagdedeliver po sya opo. nag ga grab bike po ang hubby ko. para po may pang gastos kami sa araw araw. sana isa ako sa mapili para sa ganun mapag handa ko man lang ang hubby ko at maibigay ko ang kanyang kahilingan na isang cellphone na magagamit sa pag ga grab lagi daw kasi nalolowbat ung isang cp nya sa byahe..at motor matagal na nyang pangarap yun.. kaso laging walang budget.namamanhid at pinupulikat na din kasi sya minsan sa subrang pag ba bike..minsan di makatulog ng maayos pag inaatake na yung paa nya.. hinihilot ko lang para maibsan ang kanyang narararamdaman yung lang kasi magagawa ko.. kaya sana po manalo para sa paraan na to mapasaya ko sya. at lalo sya ganahan mag trabaho.. minsan po nakaka awa kaso hindi daw sya pwede tumigil.. ❤️
Maraming maraming salamat po..
God bless po.
Đọc thêm