Dear TAP and GRAB,
Alam kong deserving matupad and wish ko na magkaroon ng libreng grocery at gatas ng aking anak na dadalhin ng Grab dahil hindi pa rin kami makalabas at wala pa kaming trabaho sa kasalukuyan. Hindi na kami makakain ng masasarap na pagkain tulad ng mga fastfood. Pero di na namin masyadong iniisip yon dahil ang importante ay may kinakain araw araw ang pamilya ko.Ang asawa ko ay nagtitinda ng gulay kahit papano upang makabili ng pangangailangan namin sa araw araw. Ngunit, hindi sapat ito lalo na nakakalabas na at nakakapunta sa pamilihan ang aming dating mga suki kaya naman nabawasan na ang kinikita nya sa araw araw. Isang kahid isang tuka. Labis na naapektuhan pati ang pag aapply ko sa mga kumpanya. Ang asawa ko ay patuloy sa pag aaral sa kolehiyo. Ganon pa man, nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil binibigyan nya kami ng pagasa sa araw araw upang mabuhay at magtiwala sa kanya. "God will provide". 😇🙏🏻
Salamat at sana isa po ako sa inyong mapipili upang tuparin ang aking hiling. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Đọc thêm