Hello TAP!
Ang wish ko ay hindi para sa akin, kung hindi para sa asawa ko. Simula nung magbuntis ako sa pangalawa namin, kailangan ko magresign dahil maselan ako magbuntis. Simula nun, asawa ko na ang gumastos sa lahat lahat at kumayod ng 12 hours sa loob ng 6 na araw sa isang linggo. Lahat ng sahod nya napupunta sa amin at sa mga pangangailangan namin, binibigay nya lahat ng walang pag aalinlangan. Ganon siya karesponsable at mapagmahal na ama at asawa. To the point na kahit pantalon or underwear (yes, underwear nakakatawa man sa inyong pandinig) hindi na nya mabili para sa sarili nya. Palagi ko naman sinasabi na okay lang na paminsan minsan bumilinng para sa sarili nya perp ayaw nya talaga, nanghihinayang sa pera na para na lang daw sa amin.
Gusto ko igrab tong opportunity na to para sana siya naman ang maregaluhan at sakto pa sa Father's day. Gusto ko mafeel nya na appreciated lahat ng efforts, sakripisyo at selfless acts nya. Gusto ko sana siya naman kahit ngayon lang 😊
Thank you so much TAP sa mga ganitong oportunidad na binibigay nyo sa amin. Nakakatuwang isipin na dahil sa mga ganitong contest/event nyo, may chance kami maging happy kahit sa maliit na paraan.
Đọc thêm