Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dear TAP and Grab, Sa loob ng halos anim na taon namin bilang mag-asawa ng mister ko tuwing may darating na okasyon hindi ko man lang siya mabilihan ng regalo dahil ako ay isang house wife lang. Napakabait ng mister ko, good provider at masipag sa trabaho lahat ginagawa niya para maprovide ang kailangan namin sa pang araw araw. Hindi man siya magsabi pero alam ko na may mga bagay na gusto niyang bilhin para sa sarili niya na hindi niya mabili dahil kami palagi ang inuuna niya. Hobby niya ang mag fishing kapag may libreng oras. Gusto ko sana siyang bilhan ng daiwa fishing rod and reel para kahit papano mapasaya ko siya. Maraming salamat.

Đọc thêm

Dear tap... Maraming slamat po! Kung Isa ako sa inyong mapipili..🙏😇 nais.ko Sana ng kaunting gamit .pra sa aking paparating s supling..dahil sa.lockdown..hindi na ako nkabalik pa sa trabaho..at meron akong hyperthyroidism.....at dahil sa halos limang taon na din bago dumating..Ang bago Kong sanggol..Hindi agad ako nkapg ipon...Sana ..kahit kaunting gamit pra sa aking munting sanggol..ay labis na Ang aking kasiyahan...ganun ndin po sa .mga tulad Kong ..humihiling pra sa knilang sanggol.dahil sa.kakapusan ..Ng pangangailangan.....mabuhay po kyo..at pagpalain dhil meron tulong para sa mga tulad nmin..maraming slamat..Godbless...😇

Đọc thêm

Dear TAP and GRAB, Ngayong pregnant po ako, ang wish ko po ay para sa anak ko na mag 7yrs.old ngayong June 11. Dahil sa pandemic sa ating bansa at sa sitwasyon ko po ngayon, hindi ko po mabigyan ng magandang selebrasyon aking anak na panganay. Gusto ko po sana sya isurprise sa kanyang 7th birthday . Ang hiling nya po sa akin ay bike . Pero wala po kaming budget dahil sa sitwasyon ngayon. Kung hindi po kakayanin ng bike ay kayo na po ang bahala upang maging masaya lamang po sya sa kanyang 7th birthday. Sakto po na hanggang June 11 ang mapipili. Sana po mapili nyo po ako para sa aking panganay na anak. Salamat po 😊 GOD BLESS

Đọc thêm
Post reply image

Dear TAP and Grab, Nagbabakasakali lang po ako na matupad dito yung wish ko. Hindi po para sakin, para po sa mama ko. Ang wish ko lang po sa birthday ng mama ko ngayon, maregaluhan ko po sya ng washing machine kahit yung pinakamurang halaga ay okay lang po. Basta po, may magamit lang po sya. Nang sa gayon po, hindi na po sya magmano-mano maglaba at di na mahirapan. Pasasalamat ko po sa kanya. Dahil napakabuti nya pong ina. Nagtiis po sya ng mahabang taon na kasama ang papa ko, mapanatili lang ang "buong pamilya". Malayo po kami sa isa't isa ngayon at matagal nang hindi nagkikita. Kaya, sobrang nami-miss ko na po sya.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Nag participate ako sa contest na 'to for Father's Day celebration sana and birthday na din ng Live-in partner ko, on June 13. But after reading other comments, naisip ko na mas madaming deserving nung slot kesa samen. Kahit pano kaso e nakakaraos naman kame sa araw araw at nakakabili ng take out food pa-minsan. Wish ko na lang na mapili yung talagang mga nangangailangan at sana magkaroon ng emergency service ang Grab since wala kameng sariling sasakyan, nag aalala ako kung pano kame makakapunta ng ospital ng ligtas. May operating hours lang kasi sa ngayon ang Grab Car services. Magawan sana 'to ng paraan. Good luck sa lahat! ❤️

Đọc thêm

Hi TAP and Grab My simple wish is sana mga basic things lang ni baby mga gamit bago ko sya ipanganak like mga newborn clothes malaking tulong na po yun since 4 months palang ako na pregnant nung nalaman ko na yung tatay ng anak ko ay niloloko ako dahil lang sa isang babae nagawa nya kming balewalain at itanggi na anak nya yung pinag bubuntis ko samantlang sya ang first boyfriend ko now im 7 months pregnant pag nakakausap ko yung boy lagi nyang sinasabe na manahimik na daw ako patamikin ko na sila i keep going strong for my baby kahit sobrang sakit ng ginawa nya tnx po ngaun palang kung mapipili ako for this contest Good bless.

Đọc thêm

GOOD DAY TAP😊 Ang tanging kahilingan ko lang po maka pag patayo ng maliit na sari. sari store. para sa anak. ko. maibigay ko man lang ang pangangailangan nya lalo na gatas diaper vit. at iba pa. kasi simula nong nanganak ako dinako nka balik ng trabaho. ung mister ko namn may trabaho pero ung sweldo deritso sa utang namin. malaki kasi utang namin nung nanganak ako kasi CS eh. kaya ako nag isip ng paraan. nag oonline selling ako. para namn. matulungan ko ang asawa ko. maka bili ng pangangailangan ni bb. kahit kaunti lang ung benta... sana po mag wish granted natong hiling ko. para sa anak. ko. mag 6 months old na po sya ngayong. june 11

Đọc thêm
6y trước

Momsh, SIMPLE things and gifts lang daw po ang kaya 😊

Hi Tap and Grab, Baka pwede ako humiling para sa pamangkin ko na magseseven birthday bukas. Inflated pool lang po para sa kanila ng baby sister nyang 2yrs old. Mahal na mahal ko ang mga pamangkin ko as my own. Ive been working hard for my family, specially for my siblings .. I used to buy gifts for them pero since nung nagka pandemic nawalan na ako ng source of income, iba ang kasiyahan ko pag napapasaya ko ang mga pamangkin ko. At paniguradong abot ang katuwaan nila pag nagkaroon sila ng inflated balloon lalo this summer. Di tlaga ako swerte sa ganitong mga pa contest pero try ko padin. Thanks a lot Grab and Tap.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Dear TAP and GROW Sana po ako ay mapili I would like to treat my parents ng shakeys food.. Since doon sila nag date noong mag bf gf pa lang sila, and now this year they are about to celebrate their 35th wedding anniversary. They are both senior citizens and masyadong risky na lumabas ng bahay especially ngayong pandemic. Also i wanna give back something special for them since sila ang kasama ko sa bahay at laging taga saklolo sa pag aalaga sa aking 18months old baby boy, na unang apo nila, dahil si husband ay nasa ibang bansa.. Dagdag na rin natin ang mother's day and father's day treat Thank you! Stay safe everyone!

Đọc thêm

Kahit simpleng pang handa lang para sa nalalapit na father' s day para sa aking butihing asawa. Bilang ganti ko man lang sana dahil isang buwan nako naka bed rest at hindi ko man lang siya matulungan sa mga gawaing bahay. Alam ko hirap na hirap siya sa di lang siya kumikibo. Dagdag pa yung habang inaasikaso ako siya din ang umako ng responsibilidad ko sa aming maliit na negosyo na lalong nagpahirap sa kanya sapagkat wala siyang alam sa pagluluto. Sana man lang kahit di ako makatayo ay may ibang taong gagawa nito para sa kanya para kahit papano ay masuklian ko naman ang mabuting gawain ng aking esposo. Maraming salamat po.

Đọc thêm