First Time Mom
Goodeve po. Sino po dito same case sabi po ng doctor sakin nung ultrasound ko e mababa daw po yung inunan ko. Any advice po. Natatakot po kasi ako:((
mababa dn po inunan ko. ung pinaka worst case pa, totally nakaharang ung inunan ko (complete placenta previa). as per my ob aakyat pa naman daw un at iikot si baby. transverse dn baby ko kaya dagan na dagan nya ung inunan ko. pag di umikot at same scenario pdn pag 7mos, CS na ko to protect me and my baby. di naman nya ko pinagbedrest since wala naman ako bleeding.. pero un nga ingat daw kasi prone sa bleeding. iwas sa matagal nakaupo, nakatayo and byahe. sa mga nababasa ko online, kung di man umakyat placenta and no bleeding naman ok lang un pero di nga lang pwede i-normal kasi highrisk.
Đọc thêmganyan rin po sakin nun at 20'weeks low-lying yung inunan ko, tumaas na sya at 26 weeks. hindi ako nagbedrest kasi wala akong bleeding although minimal movements lang din. don't worry po tataas pa yan. kung may bleeding naman, mag bed rest po kayo at for sure reresetahan kayo ng pampakapit.
just like me mommy low lying placenta ky advice ni doc bedrest minimal n galaw2 ky nagleave ko for work for while kc anytime pwde ko magbleed ndi n kasi nabago posisyon ng placenta ko..Sa awa po ngvDiyos ns 35weeks na ako..Hoping and praying n maabot nmin 37 or 38weeks ko sked ng cs ko...
yung anterior placenta po posible po bang bumababa sya, tsaka 18weeks na po ako ngyon normal lang den po ba sumasakit yung pepe tsaka parang my cramps pero nawawala naman agad. lalo na sa kaliwa parang tinutusok tusok .
ako po sa may kaliwa sya makirot e. tapos sa may bandang hips
kung maaga pa ang pregnancy nothing to worry, kusa yang tataas kung walang magiging problema sa uterine wall mo. ang importante sa 35weeks and up mo, hindi na kaharang yung inunan kahit konte sa cervix mo.
tataas pa po yan, at early age of pregnancy sabi ng OB common sa mga buntis ang mababa ang inunan, as pregnancy progresses, lumalaki si baby, itataas nya yung inunan. kung may bleeding po kayo, bedrest.
ganyan po ako dati nong 15weeks nakita sa ultrasound low lying placenta ako ngayon po 24 weeks na ko okay na po.tataas pa po yan kasi mag i expand ang uterus.
hindi po ako nag bleeding.
Rest lang po kayo Mommy. Low lying placenta din po ako at 22 weeks. Doble ingat po kasi prone tayo sa spotting or bleeding.
Possible po ang bleeding/spotting mommy. Sabihan niyo po agad ang OB niyo para makapag bigay po siya ng meds na need niyo.
pataasin mo sis maglagay ka unan sa balakang mo tas taas mo paa mo sa pader 30 mins
may kakilala po ako na iwas po sa buhat2 talaga and more on bedrest.
Queen of 3 troublemaking magician