mother in law
Good vibes naman para sa mga mother in law ? Sino dito ang ma swerte sa mother in law at mga kapatid NG hubby nila. Ako since nanganak ako Ang ksama ko mother in law ko since sa Baguio ako nanganak taga Quezon City aq taga Baguio napangasawa ko. 8yrs na kame first Apo din nila. Swerte ko Lang dahil kpag nag grocery sila may gatas diaper and bath wash na ang baby ko Hindi Rin nila ako pinapagastos sa pagkain kuryente and water bills Everytime na mag share ako ng pang food since ksama ko din mother ko dito sa house nila ayaw nila tangapin pera at ssbhn nila gmitin ko na Lang pra Kay baby. Kaya nakaka ipon ako sa sahod ni hubby. Sino dito ang mga lucky sa family NG hubby nila?
Hindi ko pa alam since di ko pa na meet in person. Pero kahit nung di paman kami nag meet in person ng partner ko, nagkaka chat na kami ng nanay nya. Hanggang sa nagkita na kami nitong partner ko. At nung nabuntis ako, palagi nya ako kinukumusta at tinatanong anong kailangan ko at ng baby. Sinasabi ko lang na okay naman kasi na poprovide naman ng anak nya gusto ko. Tapos hindi na kami masyadong bumili ng mga damit ng lo ko kasi madami syang pinadala na hands me down na mga damit and for practicality, mabilis din lumaki ang mga baby kaya unti lang muna. Tapos mga nursing clothes din. Lalo na yung nanganak na ako at nakita nya na kamukha ng anak nya yung baby ko which is kamukha din nya. Tuwang tuwa at gusto kada araw send ng pic sa apo nya. Tsaka yung kapatid nmn ni partner, nagtatanong din kung anong gusto ko at mga sizes ng damit at sapatos para mabilhan nya na ako bago kami makapunta sa bansa nila. 😊
Đọc thêmNako momsh kainggit ka naman. Sana all ganyan hehe. Pero malabo kasi iba iba naman ang tao, lalo na ang mga Nanay. Haist, nakakalungkot lang sa sitwasyon ko is namatay yung Mama ko Dec 2018. Ilang days palang nung nalaman kong preggy ako. Namatay sya ng hindi ko man lang nasasabi na may apo na sya sakin. Tapos yung magiging byenan ko, hindi sang ayon sa mga nangyayari ngayon sa anak nya. Ang laki ng galit sakin haha. Kung ano ano na ang mga masasakit na salita ang sinabi at nadamay pa pati pamilya ko. Nakakalungkot lang talaga yung iniisip ko na mag kaka Nanay pako, eh baka matagal pa bago mangyari. Kaya ngayon ang katuwang ko habang nagbubuntis eh yung partner ko lang. Kasi halos buong pamilya nya eh parang against na against na nag ka anak na sya agad. Haist, dahil dun na sstress ako.
Đọc thêmMaswerte ako kasi ang babait nila pero may time talaga na nainis ako kasi nung bago panganak palang ako kasama ko biyenan ko CS po ako, ang hirap kumilos, pag sa gabi na iyak ng iyak baby ko di talaga ako pinapalitan magpatahan kay baby tapos minsan magising sya kita nya karga karga ko si baby nagsasayaw sabihan nya ako "ilapag mo na yan, pag yan masanay" naiyak kasi naku! Pero iniisip ko talaga na kaya ko pagsubok lang yun at nagpasalamat ako kasi dahil sa ginawa niya natuto ako 🙂 di ako ini-spoiled 😂 masasabi ko talaga maswerte parin ako sa BAIT nila
Đọc thêmNot sure. Pero mabait naman si MIL kaso may times na parang walang pake sakin/samin. Not so accomodating pag andun ako sa bahay nila para akong invisible na hindi kinakausap. I dont know if nahihiya or what. Pero for God's sake 10 yrs na kami ng anak nia nahihiya pa rin sya. Wala lang share ko lang kasi akala ko nung nagpakasal kami magkakaron ako ng bagong mother figure. Btw, im already orphan that's why parang nanlilimos ako ng pagmamahal at atensyon sa magulang ng iba. 🙁
Đọc thêmMEEEEE🙋.... 😍😍😍😍 para lang kaming magbestfriend.. napakaKalog,nasasabayan nya yung trip ko😆 HS lang natapos ko nung napangAsawa ko yung anak nya, 1½year after ko manganak pinagAral nya ako, nakatapos ako ng Computer Programming pero di ko pa rin nagamit kasi kelangan ko parin alagaan yung anak ko... 2017 inalok nya ulit ako magAral syempre di ako tumanggi,nagtake ako ng BSEd Major in English😍 at hanggang ngayo nagAaral ako☺️ -20w3d preggy
Đọc thêmwow~ buti kpa momshi maswerte sa mother in law mo.. mother in law ko kasi nung nanganak ako, pinabayaan ako mag isa sa bahay kasama ang newborn baby ko nun... ehh wala pa nman ako sa bahay nmin, andun ako sa province ng asawa ko... at yung asawa ko nman nag wwork sa manila.. ..tsinismis at siniraan ako ng mother in law ko na mukang pera na di raw ako marunong at walang alam at bobo daw... kainis sya much 😤
Đọc thêm🙋...though di ko kasama inlaws ko nung nanganak ako kasi from Cagayan Valley pa sila and ako sa Bulacan. Very supportive ang inlaws ko, always nangangamusta...never akong nagka problem sa kanila. May utang pa nga kami sa kanila eh. Hehe. And pag lumuluwas sila, daming pasalubong. Bigas, fruits ganern.
Đọc thêmOk nmn kame ng in-laws ko Ayaw ko lang talaga tumira sa kanila kasi nahihiya ako since wala nmn partner ko dun 😂😂 Nag sstay lang kme dun mga 1 week Pasyal.o2 lang. Pero pag nandto nmn si partner dun kme sa kanila naka tira .
Đọc thêmme!! blessed din sa mga inlaws..bunso kasi c husband and nag iisang lalaki..sis in laws q bumibili maternity dresses q.,sandals,shoes ganern..and cla naglalaba mga damit namin..pag may cravings aq cla.din bumibili..😅
Mabait din mother in law ko kase sya yung bumili ng mga gagamitin ni baby pag nanganak nako tapos lagi pa nya ko binibigyan ng pera pambili ng pagkain, gatas, at vitamins ko. Kahit may trabaho naman yung partner ko.☺