Magtatanong lang po.

Good morning po mga mommy's, magtatanong lang po ako.C's mom po ako sa first baby ko..then now po..sa second baby ko,gusto ko po i normal.38 weeks and 3 days na po ako,and bikini cut po ang pagka c's ko..tanong ko lang po kong sino po ba ang masusunod sa amin ng doctor ko..kc sabi po ng doctor ko c's parin po ako sa pangalawa..ayaw ko po ma c's ulit eh...kc ok naman po ang kalagayan ng baby ko,tama lang ang size nya,tas naka pwesto na po sya,di rin naman po mataas ang timbang ko,tas completo po ako sa check up..sa madaling salita po eh,wala pong problema sa aming dalawa ni baby. Sino po ba masusunod..yong doctor ko po ba oh ako?? Sana may makasagot po sa tanong ko😔 #2ndchild #2ndpregnancy

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ifollow mo sa fb si doc Bev. Bev Ferrer ang name ng fb page nya. Don mo makikita if candidate ka for VBAC. Hindi po kasi lahat ng na CS ay pwedeng iVBAC. Sa case nyo, icheck mo muna po. Pwede ka maghanap ng ibang OB, pero kung anot ano man, OB mo ang masusunod kasi sila ang nag aral para sa mga ganyang sitwasyon. Atsaka 38weeks ka na kamo, ngayon nyo lng ba yan pinag usapan ng OB mo? Dapat nung una palang sinabi mo na sknya birth plan mo para naihanda ka nya.

Đọc thêm
3y trước

salamat po sa pag sagot sa,pag unawa po ng tanong ko.God bless po😊

Baka po hindi VBAC (vaginal birth after CS) advocate si Ob mo po. ano po ang history niyo before ba't ka na CS? isa rin kasi yon sa basis ng OB kung kaya po bang e CS or e VBAC. If you prefer for normal birth, you can transfer OB and look for VBAC advocate kasi specialized na sila doon. As what my OB said, you can always choose your doctor. so God bless.

Đọc thêm
Thành viên VIP

follow nio po c doc bev ferrer sa fb... VBAC advocate po siya🥰🥰🥰 siya po nagpaanak sa classmate ko, una nia cs tas sinadya niya si doc bev kaya second baby nia ay normal.. at si doc bev nagpaanak s kanya🥰🥰🥰 kaso parang medyo late na ang 38 weeks... maganda kung nagpaalaga k tlg sa isang vbac advocate🥰🥰

Đọc thêm

Pwede naman po magcheck sa ibang OB kasi baka po ang iniisip ng Ob Mo ngayon, mahirapan ka magnormal lalo at CS ka pala nung una, iire ka kasi nang husto at baka maapektuhan pa yung tahi mo. Alam ko kasi kahit taon na, matagal din magheal ang tahi ng CS. Iwas komplikasyon lang din po siguro kaya ganyan sabi ng OB mo.

Đọc thêm

Mas mainam na mag ask ng opinion ng ibang OB pero if sya po 1st OB nyo sa panganay, for sure alam nya po history nyo kaya nya nasabi na CS uli. Mahrap pag tau po kais mag decide kahit na iba ang gusto ng OB. Kasi pag may nangyari di maganda satin ay di sila pwedr sisihin lalo kung ndi tau sumunod sa recommendations po

Đọc thêm
3y trước

ok po,salamat po😊god bless po.

ask your ob momsh kumg bakit cs ka ulit. kasi inaassess yan kung pwede kang vbac. kung di ka convinced ask for 2nd opinion sa other ob. mahirap kasi lalo na kung halos kapapanganak mo palang di pepwede mag vbac. may complications din kasi.

much better kung makikinig ka sa ob mo kasi sya ang mas nakakaalam ng kondisyon mo at ni baby. kung di ka approve pa din try mo sa ibang ob. pero usually ganun din sasabihin sayo.

Thành viên VIP

Doctor po ang masusunod pero pwede po kayo mag pacheck sa other OB po. Baka po kasi iniisip lang ng OB mo ngayon na baka maapektuhan yung dati mong tahi.

dapat sa nagpractice ng VBACK ka nagpacheck, and nagmamatter din mas malaki chance mo mag NSD kung bikini cut ka, dapat din three or more yrs ang agwat

Doctor po syempre masusunod don kung nakikita n n hindi pwede alangan naman mo ikaw masunod paano kung hindi mo kayang mag normal?