Anytips para mabuntis kahit may PCOS

Good morning momsh!! I just wanna ask kung anong pwede tips ang mabibigay nyo saakin kung Anong mga dapat gawin para mabuntis. Ang sabi naman ng doctor ko is sa right ovary ko daw pwede ako mag buntis lahat ng tips nya ay ginawa kona pero wala parin

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

me, kahit noong dalaga pa ako ay super irrregular ang menstruation at pcos left and right ovaries, twice pa nga akong na raspa dahil kumakapal ang lining (nung dalaga at nung nagka-asawa) nag metformin, nag pills para ma correct ang menstruation hanggang sa tinigil ko na at tinanggap. pagka 9 years, almost every night (and up to this present day) kami ni mister na nago offer ng prayers, took an advice of a friend without any prescription from January to November 2023 nag take ako ng folic acid at paminsan minsan nainom ng maternal milk, at palagay ko nga nakatulong din sa health ko ang madalas na pagtakbo kapag dumarating na ang pnr train para makasakay ako 😅 at sobrang haba ng nilalakad papuntang work at pag may chance nag 1 minute jogging sa park malapit sa office work bago pumasok sa office. then January to March 2024, without any prescription nag lakas loob kaming mag try ni mister na uminom ng fertility support every night. pagka March sabi ni mister na itigil na niya paginom kasi parang may sumakit sa tagiliran niya, sabi ko hala ako din ee kaya tinigil na namin. First week ng April 2024 nag 2 laps jogging pa kami sa bagong oval track sa Taytay. Third week ng April 2024 ibang iba ang pakiramdam ko hinayaan ko lang, 4th week ganun pa rin sabi ko hindi ako ganito dati, naisip ko lang mag pt, 3 times pt positive kaya April 27 nagpa ultrasound kami at 9 weeks preggy na pala ako, February last lmp. We are 5 months preggy and hoping na healthy and safe rin si Baby hanggang pagkapanganak. Prayers and do your part, and God will bless you and all of us always. 🙏❤️

Đọc thêm

JUST WANNA SHARE MY PREGNANCY STORY: I was diagnosed with acute raptured ectopic pregnancy on my left ovary, cause of PCOS and my left ovary was removed. Now i only have one on my right side which is also has PCOS, na akala ko mahihirapan ako magbuntis dahil isa nalang sya at may PCOS din. But my OB advice me to take family planning using pills or injection for 1 year bago ako pwede magbuntis ulit, which is my choice. then i was just taking pills siguro half of year lang natigil din tapos nasabayan ng laging active sa s*x with my hubby, withdrawal naman. iniwasan ko maginom and smoke or kahit vape, naging more on water ako dahil nagka UTI rin ako di na rin naging active sa s*x. Dumating kami sa point na nagka problem sa relationship and I was always praying na bigyan ako ng sign kung kami talaga ng partner ko. Guess what? kakahiling ko sa sign na yun, kahit na di na kami naging active for a month and withdrawal pa. Luckily I am 19weeks pregnant now, with my healthy and normal baby, hindi na rin sya ectopic pregnancy na nagc-cause din ang PCOS. I was also wondering na baka wala na akong pagasa mabuntis dahil isa nalang ovary ko and may PCOS pa, kami nga talaga siguro ng partner ko hehe. Butsabi nga "When the time is right, I the Lord will make it happen." Sana po mabasa nyo and makapagbigay aral din po, sending hugs and God bless😘❤️ BTW, HELLO SA MGA DECEMBER BABIES🥰

Đọc thêm

ako po lately ko lang nalaman na my pcos ,ngpacheckup naman ako nung dalaga pa ako sav ng ob is hormonal inbalance ako and anemic kaya irreg ako .ngtake lang ng vitamins pero dipa rin naging reg ang dalaw ko,till magasawa ako ganon pa rin .kya normal nalang sakin pg ngdelay ako.nitong last march 15 ako last na nagkaregla april to june hindi ako dinantnan,pinilit lang ako ng mga friends ko na mgpt ,nagulat ako possitive 3 pt .agad ako ngpakonsulta sa ob to check kung preggy nga ako .naiyak ako ng makita ko na may baby na ako 8 weeks and 2 days na siya .and that time ko lang din nalaman na may pcos ang both ovary ko .kaya nagulat din ang ob ko na hindi ko alam na my pcos ako .tinanong niya ako kung ngexercise ba ako or zumba .?yes po mga mi self discipline sa food,30 mins exercise morning and hapon ang ginawa ko po.and pag gabi hindi na ako ngrarice more on fruits and veg. sobrang blessed namin ni hubby kc saktong 5th year wedding anniv namin binigyan kmi ni god ng gift na di inaasahan🥰

Đọc thêm

PCOS din ako momsh almost 6yrs kami nag try now nabiyayaan kami.. ako sa 2ovaries ko 1 lang ung may itlog na nahinog at ung 1 na un ang dinadala ko now.. for me nakahelp sa amin ung tinanggap namin ung sitwasyon namin na pwede kami ndi magka baby, then sa sunod2 ko nag paalaga nag pahinga ako muna siguro mga 1yr din ako nag pahinga momsh.. tpos itong huli dasal ang naging kakampi ko at saka nag paalaga na ako ulit naniwala ako sa ob ko at sa ginagawa ko. sabi ko eto na yun dapat ibigay namin ang best namin.. ang ginawa namin nag iwas kami sa mga bawal lalo na stress sa time na ng ovulation ko, tpos diet continues kami ndi perfect pero tinigilan namin lahat chocolates, fastfoods, softdrinks, chips, etc. na alam namin na pwede makaapekto and unexpected worth it lahat ng sacrifices namin.. ☺️☺️ baby dust sau momsh...

Đọc thêm

i had pcos both ovaries din po before.. 7 years kaming ttc ni hubby, healthy lifestyle po tapos excercise, faith in God din po.. always praying.. november 2021 i became pregnant and gave birth to my first baby in 2022 , now he's turning 2 na po and baby number 2 is on the way.. currently 13 weeks pregnant.. and baka lang po makatulong kasi before po ako mabuntis nung 2021 nag take po ako ng prolife vitamin e , and now naman po bago ko malaman na buntis ako sa 2nd baby namin mga 2 months po ako nag take ng myra e.. pampaganda lang sana ng kutis pero i think nakatulong din sya for me lang po. and base po sa ultrasound ko lately my ovaries are already both normal na po.. no more pcos.. but sad reality from having a pcos I got diabetes and I'm taking insulin everyday..

Đọc thêm

hi ako kasi umm pano ba wala talaga akong plano mag buntis at this time pero beb nabuntis ako I had 4yrs PCOS ang last yr ko lang sya treatment binigyan ako ng gamot which is pills , sinabihan din ako na mag pahinga , exercise and wag pa stress so I did that last yr and now bigla kong nalaman na 2mons nako preggy nag jogging pako that time na preggy pala ako and before po last 2yrs ago were are trying po ng partner ko na mag baby pero dear walang nabuo hanggang sa naghiwalay nalang kami so good thing na this new bf ko ewan ko ba malakas ata yung sperm cells nabuntis ako with pcos ps. bantay na bantay ko dati yung pcos ko so nakita ko na palaki sya ng palaki at dumadami since di ko na sunod yung iba dahil im a callcenter so di mawawala yung stress

Đọc thêm

Ako po nagpa-alaga sa OB last yr, and I was diagnosed din po PCOS both ovaries ko. hirap din ako magbuntis and almost 7yrs. And then itong taon na to nablessed na kmi😇 currently 5 months preggy po. Prescription sakin ng OB ko before, Althea pills, metformin, folic acid, moms choice. Then suggest nya is magbawas ng timbang, pero habang iniinom ko ung mga vitamins and pills napapansin ko nababawasan na ko ng timbang yun pala is nagbabalance na kasi ang hormones. naayos na unti unti. Pray lang mi and paalaga sa OB and sumunod lang sa process po, syempre manalig lang kay Lord ipagkakaloob nya po yan😍😇 32yrs old na ako and first pregnancy

Đọc thêm

ako po na diagnosed po ako pcos year 2019 nagtry po ako magpills ung reseta po ng oby ko skin pero inistop ko dn kc palaging nasakit ulo ko, hanggang sa sumali ako sa group na lowcarb intermittent fasting ,nagdiet po ako maliit lng po ako at super laki ko po umabot timbang ko ng 76kilo pero cmula po nung nagdiet ako dko ineexpect na mabbuntis po ako. nung nag 53kilo kilo po ako dun n po nagstart na nasusuka ako akala ko sa kape na iniinom ko lng un pla buntis na pla ako hehe 8yrs na dn po kmi naghhntay ng mister ko magkababy at sa awa nmn po ng diyos ibngy n po samin 💙 wag po kau mawalan ng pagasa mi.

Đọc thêm

hello po I was diagnosed with pcos po both of my ovaries nung 2022 and now po may 7 months pregnant turning 8 months na po di po namin inexpect na makakabuo kami at masasabi ko po na it was our unexpected pcos baby since sabi po noon ng ob ko nung nalaman kong may pcos ako mahihirapan akong mag buntis kong gugustohin ko man since pareho nga ng ovary ko yung may pcos at di rin po kami nagpapa alaga sa ob, pareho po kami ng partner ko na walang bisyo healthy isang factor na rin po siguro yun 2 months lang din po kaming nag try then nabuo agad si baby.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako po diagnosed ng PCOS since 2011 (16 years old palang po ako) kaya after nun nagpaalaga po ako sa Ob, she gave me Althea pills, Provera, Metformin kaso po hindi ko gusto iyong effect sa akin kaya sinabihan niya po ako na itry namin ng natural way; diet at exercise (2-3x jog then cardio workout), discipline lang po talaga hanggang sa mareach ko na iyong tamang timbang ko naging regular na mens ko w/o taking any meds. Now, Im 25 weeks preggy. Thank God. 🙏

Đọc thêm