ER story

Good morning mommies! Just want to share a story. So nagising ako kaninang 5am sobrang sakit ng left side ng tyan ko. 33 weeks preggy here. Sinubukan ko dumumi pero after ko dumumi napakasakit pa rin. Dere derecho yung tulo ng pawis ko. Anlamig ng pawis ko pero ang init init ng pakiramdam ko. Nagpapanic na ako dahil si baby tumitigas ata. Nag antay pa ako ng ilang minuto baka mag subside yung pain. Pero 30 mins later lalong sumasakit yung parang may sasabog na ewan. Buong left side lang talaga ang masakit. Dahil high risk pregnant ako, sumugod ako sa ER sa PGH para magpa check. Inabot ng 2+ hrs yung sakit at lumala sya habang nasa taxi kami. Gusto ko na umiyak sa sakit pero tiniis ko. Pagdating ng ER kinunan ako vital signs, blood sugar (GDM kase ako) nag IE yung OB sakin, ok naman lahat. Then suddenly bigla nawala yung pain! As in parang walang nangyari. So nilagay lang ako sa tracing machine para i observe si baby. Ok naman daw. Pinauwi din ako after. Gusto kolang i share na ok lang mag panic kung kapalit naman ay peace of mind. Tsaka sa tingin ko ka panic panic naman talaga para sa FTM na 2 hrs yung unexplained pain. God is good wala namang problema kay baby. Baka daw may naipit lang na internal organ dahil mabigat na si baby at 2200 grms. Yun lang, have a good day ahead!

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Thanks for sharing!