MGA PROBLEMA KO BAGO MANGANAK

Good evening po sainyong lahat share lang po ako ng problema ko ngayon wala na kase ako mapagsabihan neto at sobrang stress nadin ako kakaisip😔 36 weeks and 6 days napo ako ngayon, papalapit na ng papalapit panganganak ko duedate ko dec.20 at hanggang ngayon wala padin akong mga gagamitin ni baby sa panganganak gaya ng pranela, higaan nya, kumot, kulambo, alcohol, cotton, wipes, soap atibapa na kelangan. meron lang ako mga damit nya, pajama, bonnet, at iba pa na gagamitin sa katawan nya, yan plang. sobrang nag iisip ako kung saan at papaano ko mabibili mga kelangan nya. di nmn ako mkpagtrabaho at isa pa dito ako nakatira sa bahay ng mga magulang ng partner ko. alam kong di dapat ako mainis sa biyenan ko pero parang ako pa yung may alam sa pagbubuntis, hanggang ngayon dinyapa din inaasikaso yung mga kelangan sa panganganak. sa totoo lng ako pa yung nag asikaso pra magkaron kahit ppno yung mga damit ng bata. ako pa naglaba. at ako pa nagiisip kung ano yung mga bibilhin. kung pwede nga lng ako mgtrabaho pra mabili ko pangangailangan ng anak ko edi sna ngtrbho nko kso di pwd. naiinis ako dahil parang wala lng sknya, malapit nko manganak pero di nila ako matulungan. kung nalaman ko lng ng mas maaga na buntis ako.edi sana napaghandaan ko. naiintindihan ko.nmn dahil wala silang mga trbho. may sari sari store sila mabenta tindahan nila pero di sila nagkakaron ng dilensya dahil parehas silang magasawa malakas magsigarilyo. wala nmn sna ako krapatan mangealam dito.sa bahay nila dahil nakikituloy lang ako pero ang isa pang kinaiinis ko anliit na nga ng bahay panay tambak pa ng kung ano anong gamit. gusto ko linisin kse ayaw ko tlga ng makalat na bahay kso pinagagalitan ako.ng partner ko dahil sobrang lamok tlga. nag woworry lng nmn ako kse manganganak nako worry lang ako kay baby kse bka dapuan sya ng sakit. bukod sa lamok anlalaki pa ng mga daga at madaming ipis pa. ang kalat tlga. naiinis ako sa mother ng partner ko dahil kababae nyang tao di sya marunong sa paglinis ng bahay at wala pa msyado alam sa pagbubuntis. gaya nyan dapat naiintndhn nila dahil wala tlga ako pera, kung tutuusin kayang kaya pa ng mother nya magtrbho kse mga bata panaman sila. gusto ko.lang.nmn, sana suportahan naman nila ako.at.tulungan. di nmn ako matulungan ng partner ko dahil wala din sya trbho. pag may.pera sila, panay luho pa yung mga iniisip nila. nakakastress sobra. tapos pagdating pa sa pagkain ng buntis wala pa syang alam worry na tlga ako kay baby nun kya nag desisyon ako mangutang kahit kanino kinapalan ko mukha ko pra mabili ko.ung dapat kainin ko para sa baby ko. isa ko pang prblma, nakakaisang ultrasound palang ako nung october 26 ako nag pa ultrasound tapos nung ng pacheck up nako sa hospital ng sta ana need nnmn ng laboratory para ata sa sugar at mag ultrasound ulit. sinabi ko to sa mother ng.partner ko. alam nyo kung ano.sinavi sakin? diba nagpalaboratory kana nung una, sabi ko tlga sknya kelangan ulit yun sympre kse ung unang check ng.lab ko sa dugo mababa so kelangan ko ulit.mag.palab para.malaman kung may nagbago ba. tapos savi nyapa diba nag paultrasound kana, savi ko.nmn kelangan po ulit yun pra macheck ung position ng baby. nainis tlga ako nun. alam ko.nmn na prblama tlga sa gastos pero nung may pera sila inuna pa nila bumili ng cp kse binenta nya ung una nyang cp. alam nmn nila na mag papa lab ulit ako. ung biyenan ko tlga parang walang alam at suporta sakin. sinagot.na nga sya ng partner ko eh dahil sa inis sknya. inisip kase nila lagi luho nila. pag luho nila lagi nagagawan ng paraan. hys naiiyak nlng tlga ako.gabi gabi ako nagiisip kung san kukuha ng mga gagamitin ng baby ko. hinahanda ko na kse ayoko na sya pa ung mismong kukuha ng mga damit ni baby kse di sya marunong mag ayos pati sa sarili nya. lagi pa mainit ulo nya naiinis na nga sknya asawa nya dahil sa bunganga nya. ang aga aga lagi nya binubungangaan ung asawa nya, ung papa ng partner ko. na halos siya na nga gumagalaw sa bahay at nag aasikaso sya pa galit at mainit lagi ung ulo. ayoko.nmn.sana to ishare sainyo o magsavi ng kung ano ano sa biyenan ko pero un tlga ung totoo. kung ako lang gagawin ko lahat para sa baby ko pero di ako pwd magtrbho bka sya nmn mapano. hys😔 sorry mga mommies diko.na tlga kaya tiisin patong sistema dito sobrang stress na tlga ako. nagugutom nga ako minsan lalo na sa umaga dahil.wala laging almusal. naubus nadin pera ko kakabili.ng pagkain. galing payun sa mga inutangan ko na kaibigan ko ung.pera na pinambibili ko. hoping ako na sana magkaron ng blessings na dumating sakin at sa baby ko. kse sobrang sobrang stress na tlga ako. dikona alam gagawin ko para mapunan ko.na ung mga pangangailangan niya. ayoko na umasa sa kanila sobrang hirap at ayoko din na nag aantay ako.ng nag aantay sa wala kse diko.kayang.wala akong ginagawang paraan lalo nat magkakaanak nako😔 tulungan nyo.nmn ako.mga mommies kung.sino man.po yung may mga magagandang puso jan sana matulungan nyoko. matulungan man ako.sa hindi. ok lang sakin yun kse alam ko.nmn na mahirap tlga ung buhay ngayon. sobrang stress na tlga ako.lalo.nat may mga sakit din mga magulang ko humihingi.din sakin ng tulong diko mapadalhan dahil wala tlga ako pera😔 doble doble ung iniisip ko.araw araw😔 #1stimemom #firstbaby

1 Các câu trả lời

mommy push mo si Mr. na mag hanap Ng work or dumiskarte para sa Inyo. ikaw humawak Ng pera para ma budget mo n rin.. regarding sa in laws mo. wala kna magagawa dun dhil nkikituloy k lng.. best is mag hanap Ng maayos n work asawa mo para mkaalis kayo diyan.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan