2 Các câu trả lời

Pwede na po ata online. Pero pwede din sa SSS branch near you tapos ipapaupdate mo lang po ang membership mo. Sakin po sinabi ko lang na gusto ko magtuloy ng contribution kahit di na ako employed under company, ayun pinalitan po nila at ginawa na Voluntary yung sakin. Regarding po sa contributions niyo, hindi niyo na po mahuhulugan ang Aug2022-Dec2022 kasi past due na po. Yung Jan2023-July2023 na lang po pwede niyo mahulugan. Ang Due po ng Jan2023-March2023 ay sa April 30, 2023 if i’m not mistaken. Per quarter po kasi nagd-due date. If October 2023 po ang Estimated Delivery Date niyo, Jan2023-June2023 yung qualifying months na need niyo hulugan. Kung may hulog po yung July2022, baka maisama po yun sa computation ng 6 highest contributions niyo sa qualifying months. Sa tanong niyo na kung pwede babaan ang contri, pwede naman po pero pagbaba ng hulog niyo, pagbaba din ng matben na makukuha niyo. If gusto niyo po ma-avail yung 70k maternity benefit ni SSS, around 2800 po ata yung monthly na maximum contri. Atleast 6months na 2800 each month to avail of the 70k matben. Around 35k naman po if at least 3 months nahulugan niyo ng 2800 . Hence, iba-base po ni SSS ang maternity benefit niyo na makukuha sa 6 highest contributions na magagawa niyo within your qualifying months. Kung di po kaya yung max contri per month, ok lang po yun. Ang mahalaga mahulugan niyo para may makuha pa din kayo kahit papano. Hindi nga lang po kasing laki ng nakukuha ng mga nagmax contri sa qualifying months nila. ✨

Thank you uli sis.

No need pumunta sa branch. Pwede na sa online. Mag generate ka ng prn tapos click mo yung voluntary. Pag naka bayad ka na automatic magiging voluntary status mo. Kaya lang mi yung august 2022 to dec 2022 late payment ka na nyan di na nila isasama yan sa computation ng matben

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan