Ultrasound

Good day po mga momsh, share ko lang po experience ko kanina, nagpaultrasound po ako as my OB's request para po makita kung nakapwesto na si baby. Sa hospital po kasi iba ang office ng OB at kung saan maguultrasound which is radiologist po ang nagbabasa. TVS and 1st ultrasound ko po ok naman po ang gestational age ni baby which is ngayon dapat ay 36 weeks na ako going 37 na at sure naman po ako sa 1st day ng last mens ko. Pero kanina nakita po namin ng OB ko sa result is 32 weeks pa lang then tinanong namin ng OB ko pumunta sya sa kung sa nag uultrasound, inulit na lang po ung ultrasound naging 33w5d naman po. Mejo nakaka disappoint po at nakakaworried kasi bakit ganun ang gulo nila. Ang sabi na lang po ng OB ko ok naman daw po si baby at ung ibang result, maglalabor naman daw ako, basta balik na lang next week. Bakit po kaya ganun? Nakakakaba din kasi bakit iba iba anh result.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Iba kasi ang result ng ultrasound mamsh at yung calculate ng OB. Depende yun sa gestataional sac mo, kadalasan sa ultrasound advance ng 2weeks, minsan late ng 2weeks. Kahit naman ang "due date" hindi nasusunod e. Everyday kasi palaki ng palaki ang baby. Ako nga e. 1. May sarili akong OB. 2. Nagpacheck up pa ako sa public hospital 3. Nagpacheck up pa ako sa health center Magkakaiba yan sila when it coems to pre-natal check up, sa reuslt ng mga lab test, sa mga weight/BP etc etc, PEROOOOOO... Magbase ka lang sa LMP mo, kasi yun at yun ang susundin at kailangan malaman ng hospital kapag manganganak kana.

Đọc thêm
5y trước

Dont have to be worried ang importante healthy baby mo. 💛

Thành viên VIP

Ganyan talaga baka maliit baby mo kumbaga pang 33 weeks lang ang size niya kasi sa laki ng baby nagbebased ang ultrasound sa 3rd trimester. Pero ang susundin pa rin na due date e yung 1st trimester ultrasound mo or yung LMP mo kung regular ka.

5y trước

Thank you po. Very helpful po kayo at nakakaalis ng worries. God bless po satin mommy.

Depende po sa development ni baby at sa gestational age nya kaya kada ultrasound eh nag iiba pero hindi naman kalayuan ang gap katulad po nyan. Normally days lang ang difference po sa TVS. Try nyo po magpa ultrasound sa iba to be sure.

5y trước

try ko po momsh. thank you po

Thành viên VIP

Subukan mo sis magpa ultrasound sa iba para lang mapanatag ka sobrang nakakaparanoid kasi ung ganyan. Sa ultz kase nagbbase sila sa weight and size ni baby baka pang 33wks palang ung laki niya.

Dba dapat sure ung result ng UTZ