UTI

Good day mga mommies kamusta po kayo? Pa help po sana ako na may same case sa baby ko na 4 monthd old, kagabi lang po sobrang worried ako sa nakita ko sa diaper nya may bahid ng unting dugo as in kunti lng naman pero nakaka worry lang po first time mom po ako and di po mkapa check up sa labas gawa ng pandemic ngaun..uti po ba ito or what ,pa suggest naman po anu dapat kong gawin kay lo sa mga nakaranas ng ganito .thanks po sa sasagot.Godbless.

UTI
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Magandang hapon! Ang init!!! Marami pong mga magulang ang nagmemessage po sa akin tungkol sa kulay pink o orange na mantsa sa diaper ng babies nila tuwing iihi. Halos lahat sa kanila ay hindi naman nanghihina, malakas pa rin magbreastfeed at hindi nilalagnat. Maaaring ang stain na ito ay mga "urate crystals" na meron naman talaga sa ihi ng babies pero mas nakikita lamang ito kung concentrated ang ihi. Dehydrated? Maaari. Dahil sa init ng panahon, madalas pagpawisan ang baby, mas kailangan nilang dalasan ang fluid intake. Ibig sabihin, si mommy kailangan mas dalasan ang pagbreastfeed kay baby, at damihan ang pag-inom at pagkain ni Mommy. Kailangan ba dalhin sa ospital? Kung masigla po si baby, hindi nilalagnat at umiihi po 6x a day, hindi kailangan. Kailangan ng urinalysis? Observe lang muna. Kailangan na ba magformula? Hindi po. Ang breastmilk po ng ina ay at least 80% water kaya much better pa rin po anf breastfeeding. Kung more than 6 months old, na ang baby, pwede na ng kaunting water pangtulong. Kung hindi pa rin mawala ang stain kahit madami na fluids at nilalagnat si baby, paunti unti ang ihi, saka makipagugnayan sa doktor for a urinalysis. Ano ang mas malalang senyales ng dehydration na kailangan dalhin sa ospital? Kahit ano dito: 1. Walang ihi sa loob ng 6 na oras. 2. Irritable o walang malay ang bata. 3. Uhaw na uhaw si baby at irritable 4. Walang luha, malalim ang mata at tuyong tuyo ang loob ng bibig. Kapag ganito, ipagbigay alam sa pinakamalapit na ospital para madala sa ligtas na ER. Magbigay ng ORS (oral rehydration solution) habang naghihintay sa pagpunta sa ospital (magtanong online sa doctor na maaring makatulong sa dosage).

Đọc thêm

To make sure po make sure na enough yung milk na naiinom/nakukuha then seek a doctors' advice po.