hindi po, 36weeks now. mas malakas na dapat galaw nila by 30weeks up kasi may muscles na sila kahit pano, nagkakalaman na sila at lumalaki na.mostly iisang parte na lang or area ang ginagalawan nila unlike dati na ikot ng ikot kaya kung san san mo nafifeel yung galaw, yung baby ko kasi lalo po syang naging mapanakit na baby 😂 dahil parang oras oras kung makagalaw at sipa at suntok, to the point na umaaray nako lalo pag umuumbok ng bongga at sobrang stretched na ng tyan ko. parang gustong tumayo na ewan laging bugbog 😅 monitor mo ang galaw at observe mo yung routine nya may routine na yan kelan sya active at playtime nya at kelan sya himbing na himbing na kahit anong galaw mo sa tyan mo e di sya gagalaw...if worried na worried, wag magalangan pumunta agad sa OB mo.
Ako po baliktad napakalikot ni baby ko lalo na pag bagong kain ako. 36weeks na ko
sakin naman ramdam ko minsan nagalaw siya lalo na sa gabi .... kaso sa araw diko siya maxado ramdam minsan lang.. nabikil nga siya eh . hehe... meeon siyang times na sobrang likot minsan hndi gaano ... or baka nagalaw siya sa loob hndi ko lang maramdaman gaano kc nakahiga ako lage .
Anonymous