Paano po pa pagurin si lo?

Going 4mos na this month si lo. Kaso aun nasanay na sya na sa araw mas madalas syang tulog, tas sa gabi ang hyper. Madaling araw na kung matulog. Pano po ba gagawin ko para mapagod si lo at matulog sa tamang oras? Pa advise po. Di rin po kse kami palalabas ng bahay lalo ngayon pandemic.

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sleeping routine po ang need nyo mommy. . kami ni baby pag gising nya ng 7am, padadapain ko sya habang nagpeprepare ako ng pang hilamos nya at wash ng pototoy(water and cotton) pag napalitan ko na sya ng diaper, magtitimpla na ako ng gatas... pag lumabas na kami ng room, lahat na ng tao samin babatiin sya, dede 1st then play time... daldal time with lola and lolo. tapos 1st nap nya, 8:30am/9:00am 30minutes lang na nap po yun. then pag gising nya laro ulit, harutan habang nagpepreapare naman ako ng food nya... tapos bath time na. after ko mananghalian, dede si baby tapos nap time na ulit (ang mahabang nap nya is 1pm to 5pm or 6pm)... pag nagigising hinehele ko lang. pag 2-3 hours tulog pa, pinapadede ko sya. pag gising nya laro ulit, harutan ulit. daldalan na naman... tapos mag nap ulit sya ng 30minutes maybe mga 7:30pm... tapos wash nya minsan 9pm or 9:30pm tapos direcho tulog na yan. ako na lang gumigising sa madaling araw para padedehin sya... yan po ang routine namin sa araw araw. sana makatulog sa inyo mommy. kasi ang baby ko dati hindi nakakaramdam ng antok kapag hinaharot... kaya nag set ako ng sleeping routine for his development at makapahinga na rin ako at the same time. minsan kasi hindi ko na masabayan yung energy nya dahil pagod na ako sa mga gawain.

Đọc thêm

Need nyo po ng routine and sleep training. Wag nyo po papagurin at hindi papatulugin sa umaga kasi magmumoryot lang sya ikaw din mahihirapan. Sa umaga, paaraw then after an hour liguan si baby tapos nap time 1-2 hours. Sa hapon basta antukin sya patulugin pero 1-2 hours lang bwat tulog nya. Lagi makipag interact kay baby, laruin sya, madaming tummy time at mag sing and dance kayo ng nursery rhymes. Kahit sa loob ng bahay madami kayo magagawa ni baby. Tapos mga 7-8 prepare na for sleeping. Punasan at bihisan si baby. I love you massage. Hinaan ang tv kung nanunuod kayo and dim the lights. Then ihiga nyo si baby sa kama basahan ng story tska padedein. If maghyper man sya pabayaan nyo lang wag nyo lalaruin. Maiinis din yan at eventually aantukin then offer boobs if breastfeeding. Ganyan gawa ko sa baby ko ding hyper. Nasstress din ako dati kasi di sya natutulog. Pinabayaan ko na lang. Now 5 months, nasanay na sya sa routine bihira na yung 10pm gising pa sya dati hanggang 1am eh🤦😂

Đọc thêm

sleep training, gawa kayo sleep routine saka laruin mo po pag daytime.. if may garahe kayo, ilabas labas mo para masikatan ng araw. if may play gym siya, rocking chair or walker, ipagamit mo po sa araw. kausapin mo po lagi. parang di pa niya alam yung araw sa gabi. you have to correct po as early as now kasi pag 5 mos ni LO mo, mas mahirap kasi may association na siya by that time.

Đọc thêm

Mag routine po kayo. For example, dapat maliwanag kwarto nyo pag umaga, do activities like ioasyal nyo sya kahit sa loob ng bahay lang. Then pag gabi na off nyo na ilaw nyo then try din ng music yung lullaby para alam niya na time to sleep na. Try nyo din paliguan or punasan para presko feeling ng lo niyo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

I-sleep train mo siya. Sa umaga open mo windows para pumasok ung liwanag. Sa gabi dim light lang. Tapos ung room sa gabi dapat tahimik at walang activity kayong ginagawa. Masasanay din siya eventually na sa umaga ang dapat active siya tapos sa gabi oras ng tulog.

sleep training po mommy. at sanayin mo para matutunan nya yung araw at gabi. sa gabi mag dim light ka lang para alam nyang sleep time na yun

Yeah tummy time. O kaya pasyal pasyal kayo sa bahay, like eto banyo natin, kusina haha. O kaya play time, exercise, kantahan mo sya yung ganun.

4y trước

ang kyut nung pasyal pasyal hehe sige momsh try ko yan

try nyo po gisingin ng maaga at mkipaglro po kayo ng habol habolan tyak po mppgod po yun

4y trước

sure na po kayo sa habol habolan at 4 months old baby???

tummy time po

4y trước

hnd po kse sya gaanong nakakatagal pag tummy time po. anu pa kaya pong pwede para mapagod po sya? hnd pa kse nakaka upo para magplay ng toys.