Ask ko lang po kung anong pwede na ipainum kay baby na mag 1month pa lang may ubo at sipon na po sya
Gawa po ng pabago bagong klima
minsan nkakasawa na sumagot sa mga gantong question. Nung sa eldest ko sa Pedia lng tlaga ako nag aask eh. wala kasi akong tiwala sa ibang tao lalo na if ipapainom ko sa anak ko. kaya alam nyo dmi kong narerealized, Una kapag wlang pera sa ibang tao tlaga una nakikinig if anong pwd igamot sa anak, 2nd kahit may pera tinitipid ang anak. 3rd ito ung mga parents na "nornal lang yan" ung tipong may capaciry naman pero ayaw lang dalhin sa doctor or dadalhin man too late na. Siguro tlagang iba iba tayo ng isip as a parents when it comes to our child. Kaya kayo mga single ladies dyan wag kyo papabuntis lalo na if hnd kayo financially stable. Dahil sobra hirap magkaanak at magastos. Hnd pwd iasa lahat lagi sa free or sa gov.
Đọc thêmsa doctor ka po magtanong dahil buhay at kalusugan ng anak mo ang nakasalalay. wag kang umasa sa tanong tanong sa ibang tao. tandaan mo, kung ano man ang mngyari sa anak mo, ikaw lang ang may kargo nyan. wag k rin magpainom at magpahid ng kung ano ano kng hndi mo nman alam. iwasan po ninyong pag eksperimentuhan ang mga sanggol kasi maseselan pa ang mga ganyan. magpakonsulta kayo para masiguro nyong normal na ubot sipon lang yan at hndi impeksyon.
Đọc thêmmami wag k po basta susunod sa sasabihin o isasuggest na gamot ng mga nasa app na to.. dahil d po lahat ay healthcare professional dto and kahit pa doktor man o nurse ang mga tao e d po namin nakikita ang baby mo,need po idiagnose and bata b4 painumin o bigyan ng kahit ano. be very careful po lalo super fragile pa stage ni baby. lalo n ipapainom napakahirap po makipag sapalaran.
Đọc thêmipacheck up niyo po mi. si baby ko pagkapanganak may halak tapos nagkaroon ng sipon at ubo 2 weeks pa lang, ilang gamot na nireseta sakaniya cefaclor, ambroxol, cetirizine at may ascorbic acid. until now na 3 weeks na siya may sipon pa rin.
Mrs. Anonymous please have your newborn checked by a Pediatrician. Napadelikado po ng simpleng ubo at sipon para sa ganyang edad. Wag nyo na po antayin na madagdagan signs and symptoms ng baby nyo bago nyo dalhin sa Pedia.
Ipacheckup dahil hindi dapat magbigay ng gamot at hulaan ang dosage sa mga bata na less than 2yo. Mas maganda kung ipadoktor agad para mabigyan ng tamang gamot agad para hindi tumagal ang sakit at mahirapan si baby.
usually hindi tlga binibigyan ng pedia ng gamot ang mga 1 mon old na baby kagaya ng baby ko. sa ubo po pinanebulizer lang po sya ng 5 days 3x a day. sa sipon po salinase lang po at aspirator ang need po ninyo.
masyado na po matagala yan, pwede naman po magpa checkup sa center kung wala po kayo pambayad sa ospital. Kami nga po, ilang araw pa lang inuubo, un pala mild pnuemonia na. buti naagapan
ayy bawal po ang self medication lalo na 1 month palang po yan much better to consult po sa pedia. pag nag self medication tayo pwede po lumala sakit ni baby.
Hi mommy, mas maigi po na ipacheck up po agad si baby lalo na 1 month pa lang siya. Wag po basta-basta magbibigay ng gamot na walang advice ng pedia niya. :)