Welcome to the world, Pola.
Gave birth last October 31, 2020. 1:25pm. Via NSD 3.08kls Pola Venice Carreon Narciso baby girl 38 weeks & 5days. Share ko lang nangyare. October 30, 10am after class ko pumunta na agad ako sa clinic na pag aanakan ko for follow up check up namin ni Baby. Since 38weeks & 5days na ko nun at 1 to 2cm palang buka ng cervix ko, pinasukan na ko ng midwife ko ng evening primoil sa pwerta. Before ako umalis, sabi niya dun sa isa pang midwife na nakatokang mag duty sa gabi nung araw na yon, baka daw mamaya lang bumalik na ako sa kanila kasi nakakapa na niya yung panubigan. Madalas daw kasi nag sisimula ang labor ng mga buntis pag nakadungaw na sa butas yung panubigan. Tas umuwi na ako nun sa bahay. Around 12pm. lunch time, nakahiga lang ako pero pakiramdam ko e yung parang nireregla na ako. Hanggang sa mag 3pm, naisipan ko mag linis ng banyo namin, sumasakit na tyan ko nun tas nung matapos na ko, maliligo sana ako kasi nabasa ako pag tingin ko sa undies ko, may dugo na parang laway, sabi nila mucus plug daw yun na may kasamang dugo. Kaya nung pinakita ko sa parents ko sabi nila sakin manganganak na nga daw ako. Fast forward. 6 to 7pm na yun, nararamdaman kong medj hindi komportable pakiramdam ko nun pero di naman siya masakit. Ginawa ko lakad lang ako ng lakad hanggang mag 2am. medj napapahinto na ko nun sa pag lakad pag nag ccontract kaya sabi ko mag punta na kami uli dun para macheck kung ilang cm na. 3am kami nakarating, 4cm na daw nung chineck. Mataas pa pero dhil malayo kami, pinag stay na kami dun sa room. Lakad pa din ako ng lakad hanggang sa mag 5am na, nung nag pacheck uli ako ng cm, 8cm na daw. Tas pag balik namin ng nanay ko sa room, sabi ko di ko kaya yung antok kasi mag 2days na kong gising para kong babagsak, patulugin ka ko muna ako. Nakatulog kami hanggang 8am, nagising lang ako nun sa sakit. Pag IE sakin 8cm pa din kaya ginawa ko lakd uli hanggang sa may 10am, pag IE sakin 9cm na siya. Lakad pa uli. Nung nag 12pm na, 10cm na ko. Dinala na ko agad sa delivery room, pag dating dun daming ire. Muntik na ko sumuko, gusto ko na sana mag paCS kasi ang sakit na. Ang liit liit nang tyan ko, puro bata lang pala laman, kaya nung nakatungaw na ulo, no choice yung midwife ko kundi pilasan ako. Sa sobrang laki ng baby ko, may pilas ako sa loob at labas ng pwerta hanggang pwet. Haha pero ngayon magaling naman na. Thank you, Lord! Ginabayan mo kami. &Thank you din sa TAP dahil nakakuha ako ng madaming knowledge na nakatulong sakin sa panganganak. God bless sa mga soon to be mom & mga mag sisilang ng sanggol uli. Good luck po! Kayang kaya yan. 💛FTM.
Hoping for a child