mother in law (MIL) na nakakabwiset na
may ganyan din ba kayong MIL? yung kada tawag sa asawa nyo o kada tawag ng asawa nyo sa kanya after non mwawalan kami ng pera kasi puro hingi ang alam.. nakakabwiset na kasi. kada maririnig ko boses nya puro "may pera ka ba dyan?" okea "bigyan mo naman ako ng ganito" or "loy padalhan mo naman ako ng pera mo". nakakarindi na kasi mga momsh. dating ofw si hubby. at buong pagtatrabaho nya sa abroad sa family nya lahat napunta. ok lang kasi hindi pa naman kami kasal noon. sabi ko baka pag kasal na kami ok na. yung bubuuing pamilya na namin ang priority nya. kea nagantay ako.. for more than a decade na relationship namin for him to marry me. pero hanggang ngayon may anak na kami. ganun pa din. hindi na ofw c hubby kea hindi na malaki sahod nya. nagstop sya bago kami ikasal. i onced asked my husband, "ganto pa din ba yung sitwasyon naten.?" then sabi nya sakin hindi daw. preggy ako that time and wala ng ginawa yung family nya, specially yung MIL ko na walang ibang alam kundi humingi ng humingi ng pera samin. monthly ba naman nanghihingi. ok lang kung mayaman kami. may kabuhayan sila at wala ng pinagaaral dahil bago kami ikasal ni hubby nakatapos na lahat ng kapatid nya. dahil yun ang bilin ng nanay nya. bawal sya magasawa hanggat hindi pa nakakatapos bunso nila. hindi panganay si hubby pero kasi yung mga ate at kuya nya nagsipag asawahan na agad. kea sa kanya naiwan yung responsibility.. nakakainis lang.. kasi pakiramdam ko hindi ko deserved tong life na to. kasi nung nagaantay ako puro promise si hubby na babawi sya sakin. pero hanggang ngayon napako na yung promise nya.. at wala ng ibang ginawa kundi alalahanin yung nanay nya. yung MIL ko na ultimo pambili ng cake nung bayaw ni hubby samin hinihingi. pero nung nagbili kami ng gamit ng anak namin na apo nya sabi ba naman wag daw bilhan ng bago kasi masasanay. e san ko kukunin yung gamit ng anak ko? sa basurahan? ni wala naman silang ambag samin ng baby ko. kada tatawag yun alam na this. mawawalan kami ng anak ko. nakakabwiset. lagi ko tinitipid sarili ko kasi sabi ko para kay baby nalang.. pero itong asawa ko binibigay naman sa nanay nyang mukhang pera (sorry sa term pero mukha talaga syang pera), at nakalimutan na atang may asawa at anak sya. nakakagigil talaga. sana wala ng MIL na ganyan. kasi ang toxic nila sa buhay. #1stimemom #Curious #advicepls