TIREd ?
Ganun po ba tlgah, pag kasal na. Babae gagawa lht kht buntis tas panuod nuod lang ung partner mo? Naaawa na ako sa baby ko, pati siya naaapektuhan.
Yung partner ko sis kahit Pagod sa work , Kahit One day lang Pahinga Niya pinaglalaba pa rin niya ko at pinagluluto pero other gawaing bahay na magaan Ginagawa ko na ' Advice kase saken ng ob ko , more on pahinga maselan kase pagbubuntis ko kaya ' Partner ko nag kusa na siya muna ang taga laba heheh
ako minsan pag kaya ko namang gawin Hindi ko na iintayin na siya gagawa, kaya naggalit siya ang tigas daw ng ulo ko tulad ng paglalaba gusto niya pa laundry nalang, nanghhinayang kasi ako sa ibabayad d naman ganun karami..sa pagluluto naman more on bili bili lang sa labas hehe..
Đọc thêmD po tama yun.. Dapat tumutulong din asawa mo sa mga gawain. Maganda po yan kausapin mo sya wag mong sanayin na ikaw nalng lage. Ang buntis dapat prinsesa kung gagawa man yang ng gawaing bahay yung magaan lang kase mahirap tlga kumilos lalo na may dinadala kapang baby.
kasal man o hindi dapat tulungan ka dn nia. LIP ko kc hati kami sa mga gawain sa bahay. nung nagbuntis ako halos sia na lahat gumagawa ng gawain dahil maselan ung pagbubuntis ko. now kakapanganak ko lng, ako bhla kay baby sia naman sa gawain. give and take dpat.
Ako po nuong hindi pa ko buntis tinutulungan niyo ako but now na buntis ako siya po lahat even pagtupi ng mga damit at paghahanda sa su2otin ko after maligo siya po gumagawa. Kausapin mo lang po siya maiintindihan din po niya yun.
Samin naman, since SAHM ako, ako talaga lahat pag weekdays, kasi working sya at gabi lang sya nasa bahay. Pag weekend naman, bawi naman sya, sya naglalaba since I'm pregnant, sya din luto at asikaso sa first born namin.
Communicate your concerns to your husband. Sabi nga “ you get what you tolerate “. Kung di ka magrereklamo malamang maddisappoint kalang madalas. Baka di nya lang alam na hirap ka na kasi di ka nagrereklamo.
Hindi ganyan ang asawa ko. Bakit ganyan ang asawa mo. Asawa ko naglilinis ng bahay nagsasaing minsan nagluluto now na buntis aq. Nagwowork din sya after work un magluluto na pag uwi. Dapat tulungan
Grave naman yan ang bigat siguro ng itlog nyang asawa mo buti nlang d ganyan bF ko ako pinag sisilbihan kasi alam nya buntis at dapat inaalagaan ka nya kasi anak nya rin sinapupunan mo . Hayst
Di naman po, minsan kailangan pa talaga sabihan mo partner mo baka di po talaga siya sensitive enough para gets agad nafefeel mo momsh. Kausapin mo ng mahinahon communication is the 🔑