Sugar Test (OGCT and OGTT) for 24-28 Weeks Pregnancy

Hello, future mommies! ? Anyone else who has also undergone the same laboratory testing for sugar tolerance? I would just like to share my laboratory results (and experience) for sugar tests (OGCT & OGTT). Just a little background on these tests. They are performed to check how well your body can handle sugar. Pang-check din ito kung candidate ka for diabetes type 2 or gestational diabetes during pregnancy. Women are prone to developing diabetes daw kasi habang nagbubuntis, so mahalaga na macheck tayo agad to avoid complications during delivery kasi it can lead to larger-sized baby, premature delivery and preeclampsia. So I had my first OGCT (Oral Glucose Challenge Test) 50 g last Dec. 5, 2018. Sa checkup ko sa OB ko, she told me my result was above normal, meaning mataas ang sugar levels ko. Shocked din ako, kasi hindi naman ako mahilig kumain ng matamis (although kumakain pa rin ako ng chocolates etc. pero super konti lang). Tinanong ng OB ko 'yung mga kinakain or iniinom ko. Wala namang kakaiba. That time I was taking my prenatal milk. Sabi nila, hindi naman siya masama for our health, and hindi rin daw totoo na nakakataas ng sugar ang prenatal milk, so ang ginagawa ko was hinahalo ko siya sa fruit shake (papaya, banana, etc.) Masarap siya, kaya minsan nakaka-3 glasses ako a day ng fruit shake with prenatal milk. Nung sinabi ko yun sa OB ko, pinag-stop niya ako sa prenatal milk ko, and pinalitan niya ng 2 vitamins (Sangobion: iron, and Caltrate: calcium). Nagtodo ingat din ako sa mga kinakain ko. Lesser sweets, lesser rice intake. Tapos umiinom din ako ng 3-4 liters of water a day, and nag-buko juice din ako. Binigyan ako ng OB ko ng another laboratory request for OGTT 75 g naman na dapat magawa mo before you reach your 28th week of pregnancy. Jan 20, 2019. 28 weeks & 1 day na ako into pregnancy. Hinabol namin ng OB ko ang retesting ko for sugar [OGTT (Oral Glucose Tolerance Test) 75 g]. Mas mataas na ang dosage. 2 blood extractions ang ginawa sa akin. Pinag-fasting ako for 8 hours before my 1st blood extraction (6 am). Pinainom ako ng glucose drink. Tapos after 2 hours na ulit yung 2nd blood extraction (8 am). Nakuha ko yung lab results ko after lunch. Lo and behold, normal na siya! ?? Hindi ko alam kung ako lang ba, pero hindi maganda ang naging reaction ng katawan ko sa glucose drink. (Excuse me) Nag-LBM ako, tapos nahihilo na nasusuka, but I had to stop myself from vomitting kasi uulitin 'yung test 'pag isinuka mo 'yung glucose drink, so kapit lang, mga mumsh. Bottomline, super happy ako na my sugar levels went back to normal, and I am really glad na nandyan ang OB ko na talagang inalagaan 'yung health ko. ? Mahirap kasi na clueless tayo sa health condition natin habang buntis. Totoo nga na while you're pregnant, hindi lang dapat health ni baby ang binabantayan mo. Dapat 'yung health mo rin. ? Kindly share your experience as well if nag-undergo ka sa ganito. Help natin ang kapwa mommies-to-be natin. ?

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello, mga mumsh! Update ko lang kayo. Since nalalapit na ang aking due, my OB wanted to be 101% sure na okay ang sugar levels ko. Kasi just a little background, 1st OGCT ko was above normal ang sugar ko (candidate for diabetes). 2nd OGTT ko was normal (nawala na ang candidacy for diabetes 😂). I am now on my 33rd going 34th week of pregnancy. Nirefer ako ng OB ko sa endocrinologist para mabantayan ang sugar ko. Tapos yung endocrinologist ko, pinagawan niya ako ng diet sa Dietician. 1800 calories/day ang binigay sa akin na klase ng diet. Then pina-FBS (Fasting Blood Sugar niya ako after 1 week doing the diet). Ito bale yung instructions from my endo: 8-10 hours fasting. 7 AM, I went to the clinic to have my blood extracted. Then breakfast. 1 hour after breakfast, 2nd blood extraction. Shookt yung mga nasa laboratory kasi sabi nila, after 2 hours pa raw talaga supposedly yung 2nd blood kasi natural na mataas yung makukuhang result kung 1 hour lang ang nakalipas after kumain. Pero syempre, di na ako ng react kasi I trust my endo na talagang sinusubukan niya kung paano hinahandle ng katawan ko ang sugar. 😅 Next day, pumunta na ako sa endo ko to have my results read. And yehey! Super normal na talaga. Mas mababa pa actually sa normal range yung sugar ko doon sa 1st blood extraction. So no need for me to take insulin. Wala na rin next check up with her kasi okay naman sugar ko. Basta tuloy tuloy lang ang diet na binigay sa akin until I give birth. 😊 Tips/Advices: Umiwas sa kahit na anong matamis. Food man yan or inumin. Kung nagkecrave talaga, sige, kumurot ng kaunti. But be SUPER responsible. Inuman niyo ng maraming tubig. Like umubos kayo ng 4 liters of water sa isang buong araw kasi need na iflush out sa katawan natin yan. Ako madalas umaabot ng 5 liters kasi nakakatakot talaga mag develop ng diabetes. Mas okay din kumain ng red/brown rice. 😊 kung white rice, half half lang. Tapos mag snack na lang ng wheat/rye bread para mabusog. :) okay din ang pandesal. For milk, okay ang birch tree. Sabk ng dietician ko, okay din ang Anmum Vanilla flavor. Yun lang ang flavor na nirecommend, wala nang iba pa. Siguro kasi mas okay ang sugar niya kesa sa ibanh flavors.

Đọc thêm
6y trước

Ito yung result ng FBS ko. :) Done this 25th of February 2019

I had gestational diabetes and under insulin until I gave birth. 7 months ko na nalaman na preggy pala ako so I was not able to watch my sugar intake on the earlier months of my pregnancy. Good thing my sugar level was normal on the day I was on labor even though hindi ako naka inject ng insulin that day ,and went back to normal after I gave birth.

Đọc thêm
6y trước

yep..may request ako around march pa.

ganyan din ako need ko ulitin. hndi kya dhil sa milk yun? kse 11 midnight ng huli Ko kaen. 1 buns with peanut butter plus bearbrand. ayoko kse ng milk pangbuntis. maybe iwas muna ko sa milk siguro? yung glucose po nkakahilo sya grabe.

6y trước

matakaw ako sa gulay. pero less kanin.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-75685)

buti kapa sis 2x lng extraction mo sa ogtt 75 ako 4x (fasting, 1hr, 2hrs, 3hrs)pero okey lng sa repeat ogtt ko ng back to normal dn lahat ang sugar ko Yong nga lng masakit ang karayom😃😊

Thành viên VIP

tnx for sharing. Yan ang prob ko ngayon actually. 13weeks palang naman ako pero mataas na talaga sugar level ko. salamat sa inspiration, atleast now alam ko kaya pa pala bumaba.

6y trước

Kaya yan, mumsh! Basta extra ingat sa pagkain, lalo na sa mga matatamis. Hehe. Ako kasi, naguguilty ako pag kumakain or umiinom ako ng matamis so talagang nilalaklakan ko ng watee after. For example, kumain ako ng mga 2 flat/ricoa tops na chocolate. Iinuman ko yun ng 1 liter ng tubig. 😅 tsaka umiiwas din ako makakain o makainom ng matamis sa gabi. Much better din kung brown/red rice ang kakainin mo. :)

ako din pinag OGTT ako ng OB ko kasi tumaba daw ako ngayun... ano bang lasa pinaiinom sayo?

6y trước

Yung ibang hospital po, meron daw cola flavor. Hehe. Pero feeling ko masama pa rin lasa nun. Sobrang tamis kasi talaga, but kailangan tiisin kasi para rin po sa atin at kah bibi yon. :)

Sangobion and Caltrate na lng this trimester baleh tine take mi mommy?

6y trước

ilang beses mo tine take ung caltrate mommy?🙂

ok lng ba ung sa mga drugstore na fbs.. blood sugar din po.

6y trước

Okay din naman po siguro, pero mas okay siya kung may referral ka from your OB/endo para nakalagay halimbawa kung ilang blood extractions, or after ilang hours ang next blood extraction/s. :)

Ito yung result ng latest FBS ko :) (25 Feb 2019)

Post reply image