Praning at sama ng loob (Sorry po dito ko nakwento baka po kasi gumaan loob ko)

Ftm po. Sana matulungan nyu po ako. 10 days old palang po si baby namin. lagi po sya kinukuha ng byanan ko saamin. Alam ko po sasabihin ng iba na swerte kami kasi may katuwang kami sa pag aalaga ky baby pero yung halos hidni na po namin nahahawakan mag asawa si baby. nahahawakan ko lang po sya pag mag papadede pag tapos nyan pag narinig na ng byanan ko kukunin na kaagad saakin. sobrang sama po ng loob ko sakanya. kasi pinapamukha nya po saamin ng asawa ko na sya yung hinahanap ng baby kasi napapatahan nya. Naiinitindihan ko naman po na first apo nya yung baby namin. kaso parang sobra na po talaga. kasi hanggang sa gabi po katabi po namin syang mag asawa sa kwarto namin. halos wala po kami privacy kahit sa gabi nalang sana saamin naman yung baby. masama din loob ng husband ko sakanya kasi imbis na yung husband ko at ako yung katabi ng baby sa pag tulog sya pa rin. pag kinukuha rin ni hubby si baby puro sya reklamo na baka ma pano daw si baby. Tsaka sinasabihan po namin sya na wag sya karga ng karga kasi baka masanay. yun na nga nasanay ng lagi kinakarga yung baby namin. konting galaw lang ni baby karga nya na kaagad. pati sa pag tulog kayakap pa nya. Eto na po talaga yung kinababahala ko po baka pag nag tagal po hindi ako makilala ng baby ko ? Patulong naman po. Sobrang napapraning na po talaga ako?

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ano ba nmn yan pati pag tulog sa gabi katabi sila, inangkin na nila baby mo. Pag bubukod kayo ,magagalit sila ata... Kausapin nyo nlng mag asawa.

Đọc thêm

this is exactly my fear, i'm hoping and praying na hindi maging ganyan ang MIL ko. Suprang happy pa namn nya na girl 1st apo nila.

5y trước

Oh samee sis. 🤦🏻‍♀️

Anak mo yun mas may karapatan ka, ikaw dapat masusunod sa anak mo. At mas okay pakalayo layo kayo ng Hubby mo.sa parents nya.

5y trước

Salamat po ha. Kung meron lang po sanang byahe yung eroplano po ngayon gusto ko na po umuwi saamin

Nakakainis naman yan. Makakabukod ba kayo anytime? Isa lang talaga solusyon nyan... bumokod kayo.

Ganyan din ako mommy till now kaya mas malapit pa ang baby ko sa byenan ko kesa sakin

Thành viên VIP

Bumukod kayo.. Pag kasama mo tlga mga yan.. Naku.. Hahaha

Madali lang yan solusyunan. Bumukod kayo.

Solution: BUMUKOD.

Sana mapansin nyu

Patulong naman po