stroller question

FTM here, ask ko lang kung necessary ba ang mag purchase ng stroller? May bibilhin na naman ako worth 2k+ sya pero doubted pa ako kung need na ba sya o kung magagamit ba sya? WFH parents kame,sa province kame nakatira. Ang paglabas lang namen is kapag sisimba every sunday, di kame mahilig mamasyal since nagtitipid kame, wala kameng kotse so if gagala kame naka jeep kame. Walking distance ang bahay ng parents ko while yung sa byenan ko naman 2 jeeps away sa bahay namen. Worth it ba ang stroller? Parang mas gusto ko nlang karga nameng mag asawa si baby e. Bukod sa di naman kame gasino nalabas. Gusto kase ni husband kase magagamit daw sa ospital pag labas. Salamat. Please respect post since FTM po ako and need lang ng answer based din sa inyong experiences.

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

I agree sa ibang mommies na carrier dapat mi. Unang una ang hirap ijeep ng stroller. Tapos hindi naman kayo pala labas. Ako gagamitin ko lang din ung sa isang pamangkin ko e. Di din naman kasi kelangan ng bago tapos matatambak lang if ever. Sa panahon ngayon na may pandemic pa, wala pa ko plano ipasyal si baby pag labas nya. Kaya pwede pa siguro idelay yung pag bili ng bago.

Đọc thêm

sa experience ko po, hindi naman maxado nagamit iyong stroller though may pinamana sa kanya iyong pinsan niya.. mas nagamit ng baby ko iyong traditional duyan (iyong kumot at pisi) tsaka rocker.. sa situation niyo po mukhang di niyo talaga magagamit ng madalas ang stroller might as well gamitin nlang sa ibang necessity ni baby

Đọc thêm
2y trước

salamat mi, un nga din naiisip ko e parang ung 2k ko tititigan ko lang tas para magamit lang si stroller don lang sa labas ng gate 🤣 madumihan manlang ung gulong 🤣 tas baka umulan pa lalo ng di nagamit. Crib and stroller ung pinaka pricey sa list ko e pero si crib natanggal na since mag co sleep kme ni baby si stroller mukhang matatanggal na din sa list.

In my case, sa panganay ko halos hindi nagamit ung stroller. Sa labas lang ng bahay pag umaga or hapon and that’s it. Napaka bulky nya kasi pag dadalhin sa ibang lugar kaya I decided na wag ng bumili ng stroller ngayon. Good thing 2nd hand ung sa panganay ko kaya di masyado nakaka panghinayang

Sa experience ko mommy nagagamit ko stroller kapag magsisimba kami tapos kapag halimbawa wala akong kasama sa bahay binababa ko sya dun lalo na nung natuto sya gumapang kasi di kami sa papag natutulog mataas ung kama namin kaya dun ko nilalapag kapag may gagawin ako o kaya kapag tulog siya

Influencer của TAP

in my experience di kami nagstroller. una ayaw ng baby ko ng nakahiga, pangalawa bitbitin pa kaya we opted for hipseat carrier. unlike stroller, isusuot lang yun carrier. yung binili ko nalang sa anak ko ngaung nag 1 year old siya stroller bike which he can use until 6 years old. 😊

stroller po for us since mahilig kami gumala ska may lalagyan ng gamit nya. ang hirap nung uma karga namin si baby tapos may bag pa :) in your case carrier nalang po muna for now. nag iiba din po kasi situation baka need nio po ng stroller pag lumaki laki na si baby :D

Ideal ang stroller if mga areas na paggagamitan is maayos ang daan - like indoor/mall or if street nyo hindi malubak. Mahirap i-commute ang stroller. May mga pinupuntahan ba kayo na mahaba ang lakaran? Suggest ko invest sa magandang carrier na lang

Đọc thêm

Try mo muna mi paglabas ni baby if kaya naman na wala stroller.. sabi kasi ng friend ko di nila masyado nagagamit stroller, pag lalabas lang daw minsan. Eh pwede dn naman daw buhat or carrier si baby ☺️ Kaya saka na lang dn kami bibili hehe

SALAMAT PO SA INYO 😁 AKO PO UNG NAG POST HEHE.. CARRIER NLANG MUNA TALAGA HAHANAP NA LANG AKO NG PWEDENG PAGBILHAN NA KAKILALA KO 😁 WALA PA KASE AKONG MGA PAMANGKIN E KAYA WALA AKONG MASALO NA MGA GAMIT ♥️ SALAMAT PO SA INYO. 😁

Influencer của TAP

I bought one as FTM too. However if convenient ang hanap better na wala kung Kaya mo namang makahanap ng carrier na matibay mas better na mag invest dun kesa sa stroller specially for those commute na magaganap kapag gusto mo ilabas si lo.