Personally ay umaangkas pa rin ako sa motor even at 39 wks pregnant but it's only a 5min ride to/ from our house and office. Yung mga long rides na kahit 30mins lang, nahirapan na ko by 2nd trimester, so ako mismo ay ayaw ko nang bumyahe ng ganoon kalayo kapag motor lang. Naiintindihan ko yung tagtag/ alog, miski ako I'd rather walk kaysa sumakay sa padyak. Pero ang problema po kasi sa motor, aside from the obvious higher risk of serious injuries kapag nasemplang/ nabangga kayo, ay hindi ka makakarelax. Throughout ng byahe hindi ka pwede makaidlip, walang sandalan so constantly naka-engage ang core mo. Kahit may utility box sa likod, matagtag kapag sumandal ka. At habang lumalaki ang tiyan mo, mas mahirap na rin dahil hindi ka na makakadikit o yakap sa driver.
So consult with your OB na lang rin po but I personally wouldn't recommend it considering sa layo ng magiging byahe ninyo, lalo na kung daily commute ito.