Grocery Technique
From Mommy Tanie, "Sa grocery, tinitingnan mo din ba kung ano ang pinakamura or kuha lang nang kuha?"
Depende sa brand na ginagamit talaga namin (kasama na yung price sa pagcoconsider syempre kung regular naming gagamitin). Kuha lang nang kuha for snacks, wfh kasi si partner, kailangan maraming snacks 😆
Nagcocompare talaga ako ng price. Kaya matagal mag grocery. Minsan ginagamitan ko pa ng calculator kapag halimbawa presyo/no. of pcs. Mga ganon. Haha.. Kaya inis na si mr kapag kasama sya
at first tinitignan ko muna ung presyo..comparing the low and high price dun ako sa low price pero tinitignan ko na din sa brand minsan ksw pricey din ang branded e
Depends on the item. May items na dun lang ako sa tried and tested kahit medyo pricey. May items naman na kung anong mura, pwede na.
yes not only the price, even the expiry date, brand and the appearance especially pag canned goods. Sa Snacks and chips add lang ng add sa cart 😂
Ako lalo na ngaun pandemic presyo talaga😁 real talk need mag tipid. Pero syempre ni check din namin ni hubby na mura pero worth it😁
yes, may times na pinakamura lalo ngyn pandemic, pero depende pa din sa items yon, kasi may mura nga pero yung quality hndi maganda
ayaw na ako isama ng asawa ko sa grocery kasi kuha ako nang kuha. lahat ng nasa cart subject for approval pa niya.
Depende. Pag bagong sahod kuha lang nang kuha pero pag kokonte ang pambili yung pinakamura ang binibili ko 😂
Checking of prices first tas ipagkukumpara ko sa ibang brands hehe kung san ako mas makakatipid dun ako 😅