2 Các câu trả lời

Since 1 year old na po baby niyo, parang yung BLW sa kanya is something new palang, grasping or picking things up is di agad na stimulate nong infant pa siya. Yung baby ko din nong infant stage hindi din sya mahilig magsubo anything kahit toys, kaya ginawa ko is sinusuboan ko muna siya, I didn't fed her cerelac po, kasi instant food po yun, but I did try, pero ayaw niya, when I offer, veges na mash at masabaw kumakain siya, nagstart magsubo ang anak ko on her own around 7 or 8 months ata, pero only sa food lang at fruits yung pinapakain ko , pero sinusubuan din pa minsan2x, nagstart magsubo ng kahit ano ang baby ko when she turned 1, parang may babies talaga na medyo last yung sensory skills nadedevelop lalo na kapag hindi na stimulate. Pero pace po kasi ang baby, hindi magkatulad lahat, kaya I took time, I didn't force my baby to eat, kasi kapag force trauma lang labas at ayaw talaga kumain mag isa, allow your baby to play with food, nong 10 months or 11 months baby ko tinatapon din niya yung food, patience lang talaga, at expect na messy talaga sila kumain, saka niyo na linisin after eat. Sabi ng pedia ng baby ko wait until 1hr na susubo yung baby niyo, after that kapag ayaw talaga try another time and suboan pa minsan2x. Big help din kapag kasabay kumain, kaya advisable ang high chair. Sa case ng baby ko, when she is interested to use spoon, I let her, pero di pa sya marunong nong nag 1 sya, so ang ginagawa niya 1 hand spoon, 1 hand subo, until nag reach sya ng 1 year and 3 months she was able to use spoon on her own. Again messy po, at wag pagalitan kapag messy, hehe they are exploring po, and paghawak ng spoon sabay subo is a skill for them to learn. Hindi pa too late, start from scratch, and try offering variety of food. Dont forget fruits po babies loves fruits.

thank u mie sa advice 🥹❤️

In case wala pa po kayo, bili po kayo ng high chair. Then isabay sya table kapag kumakain kayo para macurious sya at makita rin ang ginagawa nyong pagkain. Then, don't force. Maglagay kayo ng food sa bowl nya, hayaan nyo lang nasa harap nya, maglagay rin kayo utensils, then hayaan nyo lang sya. Whether gagamitin nya utensils, or lalamutakin ang food... just let them explore. Then at the same time, subu-subuan nyo sya ng food. Do not force, wala dapat iyakan. Natural lang yung pagtatapon, be patient but don't give up. Ganyan talaga sa umpisa. Panoorin nyo po ito, medyo mahaba pero very educational: https://youtu.be/hHs6Q7COGWg?si=IbAt8CwrHLia00Xx

Câu hỏi phổ biến